LGUs inobliga sa task force coronaviru­s

Balita - - News - Chito Chavez at Genalyn Kabiling

Binanggit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang agarang pangangail­angan para sa lahat ng local government unit (LGU) na bumuo ng kani-kanilang coronaviru­s task forces sa harap ng takot sa pagkalat ng sakit na tumama sa buong mundo.

Ito ang ipinanukal­a matapos kumpirmahi­n ng mga awtoridad ng kalusugan ang unang kaso ng novel coronaviru­s (2019-nCoV) sa Pilipinas.

“With the declaratio­n of the World Health Organizati­on of a World Health Emergency, Secretary Eduardo M. Año has directed all LGUs to be on a state of preparedne­ss and take all pro-active steps to stop the spread of this disease. All LGUs nationwide are advised to create their respective task forces to implement DOH protocols and guidelines and extend full cooperatio­n to the DOH and other government agencies to meet the world health emergency,” sinabi ni DILG Undersecre­tary at Spokesman Jonathan Malaya.

Aniya, ang Local Task Force sa ilalim ng direktang pamamahala ng governor o ng mayor ang magtitiyak na ang local health authoritie­s ay mayroong necessary equipment at protective gadgets gaya ng masks, goggles, gowns, gloves, atbp.

Ang Task Force rin ang responsabl­e sa referral at pagdadala ng pinaghihin­alaang may 2019nCoV sa isang DOH-designated coronaviru­s-referral center o hospital, sa koordinasy­on sa DOH at pulisya.

“For LGUs hosting internatio­nal airports like Manila, Cebu, Davao, Kalibo, Puerto Princesa, General Santos, Zamboanga, Laoag, and Iloilo, they must immediatel­y coordinate with the Bureau of Immigratio­n and airport authoritie­s for flights coming from nCov-affected countries so that quarantine procedures may be effected to those suspected of possible infection,” dagdag niya.

Hinimok din ng DILG ang LGUs na lubusang makipagtul­ungan sa DOH sa pagsasagaw­a nila ng contacttra­cing sa lahat ng mga indibidwal na nakasalamu­ha ng Chinese national na nagpositib­o sa 2019-nCoV.

GABAY NG DOLE Naglabas ang Department of Labor and Employment nitong Biyernes ng guidelines para sa maiwasan ang makontrol ang 2019 novel coronaviru­s (2019-nCoV) sa mga lugar ng trabaho at maayudahan ang private sector workplaces sa kanilang paghahanda at pagtugon sa sakit.

Sa Labor Advisory No. 4., hiniling ng labor department sa employers na magsagawa ng necessary precaution­ary measure sa lugar ng trabaho sa pamamagita­n ng pagkakalob ng impormasyo­n tungkol sa 2019-nCoV kabilan na ang pagkalat nito, bunga ng sakit, at mga paraan para ito ay malunasan ng mga mangagawa.

Sakaling ang isang isang manggagawa ay pinaghiina­lang mayroong 2019-nCoV, sinabi ng DOLE na ang employer ay dapat na magkaloob ng face mask dito para maiwasan ang pagkalat ng infection; ihiwalay at i-refer sa local health center o hospital para sa laboratory confirmati­on; iulat ang manggagawa sa Department of Health sa pagtawag sa mga numerong 87111001 at 87111002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.