Supplier ng ilegal na baril, timbog

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Natimbog ng mga pulis ang isang lalaking itinuturin­g na high value target (HVT) at hinihinala­ng supplier ng illegal firearms sa isang buy-bust operation sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan ang naarestong suspek na si Jam-Jam Julian, 20 anyos, ng Lanzones Street, Kangkungan Site, Napico, Barangay Manggahan, Pasig City.

Si Julian ay isa umanong newlyident­ified HVT at supplier ng illegal na armas sa lungsod, at kalalaya lamang mula sa bilangguan matapos magpiyansa sa kasong robbery. Nahaharap din siya sa kasong theft at physical injuries.

Samantala, nakatakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang kasabwat niyang si Edison Bolista, ng 67 Acacia Street, Napico, Barangay Manggahan.

Nabatid na ang suspek ay naaresto ng mga tauhan ng EPD-District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj Darwin Guerrero, dakong 10:00 ng gabi sa bahay ni Bolista.

Nagsagawa ng surveillan­ce operation ang mga pulis laban sa mga suspek kaugnay sa ilegal na pagbebenta ng mga ito ng loose firearms at shabu.

Nang makumpirma ang ulat ay ikinasa ang buy-bust sa bahay ni Bolista, at kaagad na inaresto si Julian nang bentahan ang poseur buyer ng kalibre .38 baril.

Nakatakbo pa si Julian ngunit naabutan siya ng mga pulis at pinosasan.

Nakita ni Bolista ang komosyon kaya’t mabilis na itong tumakas padaan sa bubungan ng kanyang bahay.

Sinabi ni Guerrero na nakakumpis­ka pa sila mula sa suspek ng isang .9mm caliber revolver at mga bala, P200,000 halaga ng shabu, 12 gramo ng marijuana na nagkakahal­aga ng P12,000 at isang timbangan na nakatago sa isang cabinet.

Sasampahan si Julian ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms at RA 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.