Murder suspect, huli sa Tarlac

Balita - - News - Leandro Alborote

Isang 31-anyos na lalaki na sangkot sa kasong murder sa Manggahan 1, Barangay Habay 2, Bacoor City, Cavite ang dinakip sa Tarlac City, kamakailan.

Sa report ni Tarlac City Police chief, Lt. col. Alex Apolinio, nakilala ang suspek na si Andre Obong, alyas ‘Andy’ at taga-Bgy. Banaba, ng nasabing lungsod.

Dinampot si Obong ng mga tauhan ng Criminal Investigat­ion and Detection Group, Regional Field Unit ng Cavite sa kanyang bahay sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Cavite Regional

Trial Court Judge May Charlene Hernandez-Azura sa kasong murder.

Walang inirekomen­da ang hukuman na piyansa ni Obong para sa pansamanta­lang kalayaan nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.