Balita

OFWs sa China, pinauuwi na

- Ni BELLA GAMOTEA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papauwiin na sa Pilipinas ang unang grupo ng mga Pilipino mula sa China sa susunod na linggo.

“The DFA intends to repatriate the first batch of Filipinos next week subject to China’s rules on disease containmen­t, including immigratio­n clearances, quarantine process, among others,” ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Menez.

Muling nanindigan ang DFA na handa ang ahensiya na iuwi ang mga Pinoy sa China sa kabila ng health concerns na dulot ng 2019 novel coronaviru­s (n-CoV) outbreak.

Una nang inihayag ng DFA na obligadong sumailalim sa 14-araw na mandatory quarantine ang mga uuwing Pinoy na mangggalin­g sa nasabing bansa alinsunod na rin sa guidelines ng Department of Helath (DoH).

Nilinaw ng ahensya na ang mga Pinoy sa Wuhan City at sa mga lugar sa Hubei province ang uunahin para sa unang batch ng pauuwiin.

Ang mga Pinoy na nagnanais na mapabilang o makasama sa first batch ay dapat na kumontak sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing o sa malapit na Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai sa Pebrero 3, araw ng Lunes.

Samantala,ilang Pinoy sa China ang nagpasyang manatili na lamang doon dahil tiwala silang mareresolb­a ng Chinese government ang naturang n-CoV outbreak na nagsimula sa Wuhan city.

Sinabi ng mga ito na ayaw na rin nilang makadagdag pa sa problema ng gobyerno ng Pilipinas at piniling umiwas dahil sa posibleng madala ang sakit sa bansa at mahahawa ang kanilang mahal sa buhay.

Sa ngayon,batay sa pinakahuli­ng ulat na nananatili­ng walang Pinoy sa bansa maging sa China at sa ibang panig ng mundo, na nahawa sa nasabing virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines