Balita

Carla, nasira ang atay dahil sa misdiagnos­is

- Ni NITZ MIRALLES

OPEN na si Carla Abellana na ikwento ang pinagdaana­ng medical condition na nagpa-depress sa kanya at sa isa nga nitong post sa social media, sabi nito, ang 2019 ang year that broke her psychologi­cally, emotionall­y and physically. Nakuwento pa nga nito na habang nagbabakas­yon sa Osaka, naospital pa siya at pinost ang brasong may nakatusok na IV.

Sa mediacon ng Love of My Life, naikuwento ni Carla na dahil sa maling diagnose ng unang doctor na kanyang pinuntahan, na-damage ang kanyang liver. Dahil siguro sa niresetang gamot sa diumano’y asthma niya na wala naman pala, kaya na-damage ang liver ni Carla at tumaba rin siya dahil sa steroids. Pero may hypothyroi­dism at tachycardi­a pa rin siya.

Mabuti at naisipan ni Carla to seek a second opinion at doon nalamang wala naman pala siyang asthma. Mabait si Carla dahil hindi na pinangalan­an ang doktor na nagkamali ng diagnose sa sakit niya at kung saang hospital affiliated. Kung iba ‘yun, pinangalan­an na ang doctor at kung saang hospital siya nagpa-check up.

In fact, may mga eksena sa Love of My Life ang paglobo ng mukha ni Carla, pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito mapa-TV screen man o personal. Kaya si Tom, hindi napigilang magnakaw ng halik kay Carla habang ini-interview sa TV ang girlfriend.

Sa mga patuloy na nagtatanon­g kung sila na ba ang susunod kina Mikael Daez at Megan Young na ikakasal, sagot ng dalawa, “In our own time, our own pace and our ttyle” na tama naman. Hindi kailangang madaliin ang pagpapakas­al. Samantala, sa February 3, after The Gift na ang pilot ng Love of My Life sa direction ni Don Michel Perez. Mas lumutang ang ganda ng story sa ganda at linaw ng cinematogr­aphy at dahil daw ito sa bagong camera ng GMA-7 at maayos na paganggulo ni director Dominic Zapata.

 ??  ??
 ??  ?? Carla
Carla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines