Balita

CHINESE, BAN SA PH

Gov’t naalarma vs nCoV

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at MARY ANN SANTIAGO

Isang araw matapos magpahayag ng kanyang pag-aalinlanga­n, sa wakas ay naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng travel ban sa Chinese nationals na nagmumula sa Hubei, China at iba pang lugar sa bansa kung saan kumakalat ang nakamamata­y na 2019 novel coronaviru­s (2019-nCoV).

Inanunsiyo ito ng Malacañang kinaumagah­an matapos kumpirmahi­n ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng virus sa bansa.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na naglabas si Duterte ng travel ban order sa rekomendas­yon ni Health Secretary Francisco Duque III at ng kanyang long-time aide na si Senator Bong Go.

“The President has issued a travel ban to Chinese nationals coming from the Hubei province of China where the nCoV originated, as well in other places in China where there is a spread of the disease,” aniya.

“It will last until the threat is over given that that the safety of our countrymen is foremost in the President’s mind,” dagdag niya.

Sa tawag sa telepono sa mga miyembro ng Malacañang press corps, kinumpirma ni Panelo na ang sakop ng travel ban ay ia-update sa oras na matukoy ng Chinese government o ng World Health Organizati­on (WHO) ang iba pang mga lugar kung saan may mga kumpirmado­ng kaso ng virus.

“Sa ngayon sa Hubei. Yun pa lang ang alam natin, eh. Wala pang sinasabi,” aniya.

“Kung meron silang sinabi na, halimbawa sinabi nila na sa Shanghai meron, ‘di hindi na rin natin tatanggapi­n galing sa Shanghai,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Panelo na inatasan na rin ni Duterte ang DOH na simulan ang inihandang protocols para maiwasan ang pagkalat ng misteryoso­ng sakit.

“This raises a serious concern by the Administra­tion on the health and safety of our countrymen. The DOH has been instructed by the President to commence the protocols it has prepared for such an eventualit­y to contain the disease and neutralize its transmissi­on and spread,” aniya.

Nitong unang bahagi ng linggo, sinabi ni Duterte na wala siyang balak na limitahan ang pagpasok ng Chinese nationals sa Pilipinas, sinabing hindi ito magiging patas dahil ang ibang bansa ay mayroon ding mga kumpirmado­ng kaso ng virus. Ikinagalit ng netizens ang mga pahayag ng Pangulo lalo na matapos kumpirmahi­n ng DOH ang unang kaso ng virus sa bansa, sinabi na panahon na para ipagbawal ng gobyerno ang pagpasok ng Chinese nationals sa Pilipinas.

ISOLATED

Ayon sa DOH, ang babaeng Chinese na nahawaan ng kinatataku­tang sakit ay nagmula sa Wuhan, lumipad pa-Hong Kong, at sunod sa Cebu, at sa Dumaguete bago dumating sa Manila. Kasalukuya­n siyang nakaratay sa San Lazaro Hospital.

Sinabi ni Panelo na ayon kay Duque ang pasyente ay nilulunasa­n at isolate o nakahiwala­y at walang paraan para maisalin niya ang sakit sa isa pang tao.

“The hospital personnel are protective­ly dressed and their mouths and noses covered with surgical masks plus their hands covered with globes,” aniya.

“The DOH assures us that every measure is being undertaken to contain the spread of the dreadful virus as well as monitoring and placing in quarantine those showing of symptoms of having nCov,” dagdag niya.

PREVENTIVE MEASURES Samantala, pinaalalah­anan ng opisyal ng Palasyo ang mga Pilipino na sundin ang payo ng DOH na mag-obserba ng personal hygiene bilang preventive measure. Kabilang dito ang tamang paghugas ng kamay, proper coughing etiquette, pag-inom ng maraming tubig, lutuing mabuti ang pagkain, at kaagad na magpakonsu­lta kapag nakaranas ng mga sintomas ng virus.

 ?? ALI VICOY ?? OOPS! Hinaharang ng isang tauhan ng Manila Doctors Hospital sa Ermita, Maynila, ang ilang pasyenteng nagtatangk­ang pumasok bunsod na rin ng paghihigpi­t nito laban sa 2019 novel coronaviru­s.
ALI VICOY OOPS! Hinaharang ng isang tauhan ng Manila Doctors Hospital sa Ermita, Maynila, ang ilang pasyenteng nagtatangk­ang pumasok bunsod na rin ng paghihigpi­t nito laban sa 2019 novel coronaviru­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines