Balita

WHO nagdeklara ng global virus emergency

-

BEIJING (AFP) – Sinabihan ng United States ang kanyang mamamayan na huwag bumiyahe sa China matapos ideklara ng World Health Organizati­on (WHO) ang global emergency kaugnay sa pagkakalat ng 2019 novel coronaviru­s (2019-nCoV), kasabay ng pagtaas ng Chinese authoritie­s nitong Biyernes ng bilang ng mga namatay sa 213 at halos 10,000 infections.

Itinaas ng State Department ang warning alert sa highest level, pinayuhan ang mamamayan nito na ‘’do not travel’’ sa China dahil sa epidemya na ngayon ay kumalat na sa mahigit 20 bansa.

Ilang oras bago nito, binago ng WHO ang risk assessment nito matapos ang crisis talks sa Geneva.

‘’Our greatest concern is the potential for the virus to spread to countries with weaker health systems,’’ ipinahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s.

‘’We must all act together now to limit further spread... We can only stop it together.’’

Ipinagbawa­l na ng ibang bansa ang pagpasok ng travelers mula sa Wuhan, ang central Chinese city kung saan unang lumutang ang virus, habang hinarang ng Italy at Israel nitong Huwebes ang lahat ng flight connection­s sa China.

Ang maralitang Papua New Guinea ay ipinagbawa­l ang lahat ng bisita mula ‘’Asian ports’’.

Iniulat ng US ang unang kasi nito ng person-to-person transmissi­on ng virus sa American soil – isang lalaki sa Chicago na nahawaan ng kanyang misis, na bumiyahe sa Wuhan.

Matindi na ang isinasagaw­ang hakbang ng China para mapigilan ang pagkalat ng virus, kabilang ang pag-quarantine sa mahigit 50 milyon katao sa Wuhan at Hubei province.

Sinabi ng gobyerno nitong Biyernes na 43 pa ang nadagdag sa mga namatay sa nakalipas na 24 oras. Ang bilang ng new fatalities ay araw-araw na tumataas sa nakalipas na 10 araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines