Balita

‘Wag magpanic-buying ng face mask

- Beth Camia, Mary Ann Santiago at Orly L. Barcala

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na huwag mag-panic buying ng face mask sa gitna ng 2019 coronaviru­s (2019-nCoV) scare matapos makumpirma ang unang kaso ng sakit sa bansa.

Sa forum sa National Press Club (NPC), sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na mayroon namang agarang solusyon kung nagkakaubu­san man ang suplay sa face mask, sanitizer at alcohol at iba pa.

Bukod dito, may sapat na suplay at madali ring mag-produce ng mga nasabing produkto.

Hinimok ni Lopez ang retailers na bumili na nang bulto-bulto dahil tumataas ang demand ng mga produktong ito, at huwag magtataas ng presyo dahil patuloy na umiikot ang DTI Price monitoring team.

Babala ni Lopez, ang sinumang matutuklas­an na sangkot sa overpricin­g ay mahaharap sa kaso.

Kahapon, nagkagulo sa pila ng mga gustong bumili ng face mask sa mga tindahan sa Bambang, Maynila na natigil lamang ng dumating ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang magbantay.

Dahil dito, muling binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga negosyante­ng mananamant­ala sa gitna ng coronaviru­s scare.

“Those stores in Manila, please, do not enrich yourselves economical­ly and take advantage of the situation,” aniya

WALANG CLASS SUSPENSION

Samantala, hindi magsususpi­nde si Moreno ng klase sa mga paaralan sa paligid ng San Lazaro Hospital, kung saan nakaadmit ang mga taong inoobserba­han sa 2019-nCoV.

Ito’y matapos tiyakin ni Health Secretary Francisco Duque III at ni Dr. Edmund Lopez, ang director ng San Lazaro Hospital, na walang dapat ipangamba ang publiko kahit na kumpirmado nang nakapasok sa bansa ang nCoV.

MAY SINTOMAS?

Pinayuhan ng Department of Health ang mga indibidwal na nakakaramd­am ng mga sintomas ng trangkaso na umiwas muna sa matataong lugar.

“Kung may mga ubo’t sipon sila, huwag na muna silang pumunta sa mga matataong lugar katulad ng mga jeep. Manatili muna sa tahanan nila, magpahinga, lalo na kung sila ay may ubo, sila ay may lagnat, huwag pipilitin [lumabas] dahil makakahawa sila,” ani Duque, sa isang panayam sa radio.

Pinulong naman kahapon ng City Health Office (CHO) ng Valenzuela City government ang mga kinatawan ng public at private hospitals, public at private schools, mga unibersida­d ng lungsod, para sa mapalakas ang pagmo-monitor sa sakit na 2019-nCoV sa lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines