Balita

Magkapatid na senior citizen, 3 pa arestado sa baril, droga

- Bella Gamotea

Isang magkapatid na lalaking senior citizen at tatlo pa nilang kasama ang inaresto matapos makumpiska­han ng samu’t saring kontraband­o kabilang ang baril at ilegal na droga sa pagpatupad ng search warrant sa kanilang tirahan sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa custodial facility ng Makati City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Firearm and Ammunition­s Law (RA 10591) at Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang mga suspek na sina Patricio Solsona y Pablo, alyas “Pato”, 63 anyos, at Efren Solsona y Pablo alyas “Efren”, 66, kapwa nasa drugs watchlist; Augustus Cesar Lim y Randrup, alyas “Cesar”, 59, private driver; Alicia Beloy y Madrona, alyas “Maureen”, 50, may kinakasama, at Ricardo Jacinto y Vergara, 36, may asawa, pintor, pawang nakatira sa Ensueño Street, Barangay Pinagkaisa­han, Makati City.

Sa ulat naghain ng search warrant ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-7) laban kay Patricio Solsona dahil umano sa pagtatago ng baril sa kanyang tirahan dakong 8:30 ng gabi.

Sa gitna ng paggalugad nina Cpl. Nick Cariaga at Cpl. Argie Palamos, nagkataon na nasa loob din ng bahay ang apat pang suspek na sanhi ng kanilang agarang pagkakaare­sto matapos makakumpis­ka ang mga awtoridad ng isang caliber.38 revolver na may anim na bala; anim na plastic sachet ng tinatayang 1.11-gramong shabu na nagkakahal­aga ng 7,548; improvised glass tooter; limang assorted lighter; cellphone; dalawang aluminum foil strips; isang itim na Uzi gun replica at isang black box.

Isasailali­m sa inquest proceeding­s ang limang suspek sa Makati Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines