Balita

Turuan ang mga mag-aaral at magulang ng waste segregatio­n

-

SA tahanan nagsisimul­a ang edukasyon. Bagamat ipinakakah­ulugan ang konseptong ito na dapat maging mabuting halimbawa ang mga magulang sa kanilang mga anak sa aspekto ng buhay, maaari rin itong magamit sa aspekto ng pangangala­ga sa kalikasan.

Ito ang layunin ng bagong proyekto ng Department of Education (DepEd) Taguig at Pateros (TaPat) division, kung saan nakabantay ang mga mag-aaral sa kanilang magulang upang masigurado na sumusunod sila sa kalinisan, kabilang ang tamang pagtatapon ng basura, pagbubukod at pagbabawas.

Sa isang panayam nitong Huwebes, sinabi ni Taguig City education czar Dr. George Tizon na base ang proyektong tinawag na “Bantay-Magulang” Waste Management Project, sa Memorandum 13, series of 2020, o the Waste Management Program, ng division na bahagi na ng klase bilang bahagi ng isang elective subject ng mga mag-aaral.

“The problem of garbage reduction is not confined within a particular city but Mayor Lino Cayetano is formulatin­g policies that will benefit not only the city of Taguig but the rest of Metro Manila, such as the BantayMagu­lang Waste (Management) program, where students and parents at home play a very vital role,” pahayag ni Tizon, na siya ring DepEd TaPat’s chief education supervisor for school operations and governance.

Ilulunsad ngayong araw (Peb. 1) ang proyekto, na inaasahang dadaluhan ng mga magulang, guro, at mga lider-estudyante sa Gat Andres Bonifacio Elementary School sa Barangay The Fort, kung saan lalagda rin sa isang kasunduan ang mga magulang at lokal na opisyal bilang pakikiisa sa programa.

Hangad ng proyekto na maituro sa mga bata ang kahalagan ng pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at ‘di-nabubulok at makamit ang hangarin na maibaba ang bilang ng nakokolekt­ang basura sa lungsod sa 50 porsiyento.

Sa ilalim ng program, itinatakda ang mga mag-aaral na turuan ang kanilang mga magulang ng tamang waste segregatio­n at reduction efforts. Kailangan din nilang iulat ang dami ng basurang nakokolekt­a sa kanilang mga tahanan.

Ang mga mag-aaral na mauulat ng pagkabigo ng kanilang mga magulang na sumunod sa programa ay bibigyan ng tungkulin na hikayatin at bantayan ang kanilang mga magulang hanggang sa sumunod ang mga ito.

Base sa programa, bawat bahay ay hihikayati­n paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura na maaaring maibenta sa mga junkshop upang maiwasan na madagdag lamang ito sa dami ng basura, gayundin ang mga maaari pang pakinabang­an sa tulong ng Solid Waste Management Office (SWAMO) ng barangay o lungsod. “It will be monitored and reported by the children in their classes to ensure their compliance,” ani Tizon. Hihikayati­n din ang mga magulang na bigyan ang kanilang mga anak ng water tumblers o containers upang mabawasan ang paggamit ng mga single-use plastics sa paaralan.

Tiwala si DepEd-TaPat Schools Division Superinten­dent, Dr. Margarito Materum, na makatutulo­ng ang programa na maisulong ang kultura ng disiplina sa mga tahanan.

“We know that children sometimes obey their teachers more than their parents. So we want to take advantage of this situation for the parents to follow the Waste Management Program of the local government because of their children’s involvemen­t,” pahayag ni Materum.

“Children do not want to be embarrasse­d in class simply because of their parents’ non-adherence nor do they want to lie to their teachers. This may probably resolve the discipline problem we need in every household,” dagdag pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines