Balita

Iniwan ng Nobyo

- Gina de Venecia

DEAR Manay Gina, Isang buwan na ang nakaraan mula nang biglang nakipag-hiwalay sa akin ang aking nobyo. Hindi naman kami nag-away. Ang alam ko lang, talagang nahihirapa­n siya sa trabaho at may problema sa pananalapi. Wala naman daw akong pagkakamal­i. Kailangan lamang daw niya ng panahon para sa sarili.

Lahat ng kaibigan ko ay hindi makapaniwa­la sa kanyang ginawa, at nagsasabin­g babalik siyang muli sa akin. Ang tanong ko po ay kung talagang ganoon ba ang mga lalaki, na basta na lamang lalayo sa babae kapag delikado ang katayuan nila. Paraan ba nila ito para unahan ang babae sa pakikipag-break?

Susan

Dear Susan,

Ang bawat tao ay nangangail­angan ng panahon para sa kanyang sarili, lalo na kapag nakakarana­s ng kalungkuta­n. May iba, na mas kailangan ng karamay kapag nasa panahon ng kagipitan habang ang iba naman ay nais tahakin ang pagdurusa nang mag-isa.

May posibilida­d, na dahil sa pagod at problema sa pananalapi, naisip niyang mas mainam na huwag kang idamay sa kanyang paghihirap. Posible rin na nawalan siya ng gana sa relasyon, sa dahilang hindi rin niya maunawaan.

Dahil dito, wala kang puwedeng gawin kundi sakyan ang kanyang diskarte. Mahirap ipilit ang isang bagay na inaayawan. Gayunman, patuloy pa rin ang takbo ng buhay para sa iyo. Ang mas maganda rito, nagkaroon ka ng second lease on love life. Ngayon, nasa iyo ang pagpapasya kung siya pa rin ba o ibang tao na, ang kasama mo sa next phase ng iyong buhaypag-ibig. Good luck.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Many of us crucify ourselves between two thieves - regret for the past and fear of the future.”----- Fulton Oursler

Ipadala ang tanong sa dearmanayg­ina@ yahoo.com

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines