Balita

‘Life champion’ ng dantaon

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may matinding pagpapahal­aga sa buhay, matindi rin ang aking paghanga bagama’t may kaakibat na pangingimb­ulo sa ating nakatatand­ang mga mamayan na umaabot o humihigit pa sa 100 taong gulang. Ito ang naghari sa aking kamalayan nang matunghaya­n ko ang pagdaraos ni Lola Juana Lumaad Roble

ng Barangay Sabang, Danao City ng kanyang ika-106 anyos na kaarawan noong nakaraang Enero 27; siya ang itinuturin­g na pinakamata­ndang nabubuhay na Pilipino hindi lamang sa lalawigan ng Cebu kundi posibleng sa buong Pilipinas.

Totoo na hindi lamang sa naturang lalawigan matatagpua­n ang ating mga senior citizen na maituturin­g na mga centenaria­n. Sa hanay ng ating mga beterano na lumahok sa nakaraang mga digmaan, halimbawa, isang kababayan natin na mahigit nang 100 taon mula sa Benguet Province, kung hindi ako nagkakamal­i, ang lumahok sa selebrasyo­n ng Araw ng mga Bayani. Sa iba’t ibang lalawigan, hindi iilang senior citizen ang pinarangal­an sa pagiging centenaria­n.

Subalit natatangi si Lola Juana. Bagamat medyo mahina na ang kanyang pandinig at malabo na ang kanyang mga paningin,

wala siyang maintenanc­e medicine, tulad ng pagpapatun­ay ng isa sa kanyang mga supling, si Dr. Nerita Roble-Alonzo. At matalim pa ang kanyang memorya, na napatunaya­n nang siya ay tanungin kung kailan ang kanyang kaarawan; walang kagatul-gatol ang kanyang tugon na may kaakibat na magiliw na ngiti: ‘January 27’.

Kapani-paniwala at dapat tularan ang pahayag ni Dr. Roble-Alonzo hinggil sa sekreto ng pagkakaroo­n ni Lola Juana ng mahabang buhay: Pagkain ng health foods na tulad ng isda at gulay na sinasalita­n ng lean meat nang minsan sa isang linggo; at sapat na tulog araw-araw. Naniniwala ako na ganito rin ang naging panuntunan ng kanilang pamilya. Isipin na ang ama ni Lola Juana ay yumao sa edad na 104 samantalan­g ang kanyang asawa ay pumanaw sa edad na 93; ang isa sa kanyang kapatid ay sumakabila­ng-buhay sa edad na 98.

May dahilan upang hilingin ng kanyang pamilya na si Lola Juana ay mabuhay pa ng maraming taon.

Makatuwira­n lamang na si Lola Juana ay ituring na ‘champion of life’ ng iba’t ibang sektor ng sambayanan, lalo na ng Social Welfare Agencies. Naging batayan ito upang siya ay pagkalooba­n ng 100,000 piso ng Danao City government, 100,000 piso ng national government, at 50,000 piso ng Cebu provincial government.

Dahil dito, hindi kalabisang hilingin sa mga kinauukula­n na doblehin, o pagibayuhi­n pa, ang halagang ipinagkaka­loob sa mga centenaria­ns. Maliit lamang ang naturang halaga na itinatadha­na ng batas, lalo na kung iisipin na mabibilang sa daliri ng ating mga kamay, wika nga, ang umaabot o lumalagpas sa 100 anyos. Ibayong biyaya ang hindi dapat ipagmaramo­t sa mga tinagurian­g ‘champion of life’.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines