Balita

Naunang kumurap si Du30

- Ric Valmonte

“NAATASAN kami ngayon na palawakin ang sakap ng aming pag-aaral upang isama ang paunang pagtaya sa magiging epekto ng posibleng pagputol sa VFA. Ang pagkakaint­indi, nagbanta lamang ang Pangulo, pero hindi nagbigay ng kautusang wakasan ang VFA. Kaya, hiniling ng kanyang opisina na pagaralan ang magiging epekto ng terminasyo­n,” wika ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa

mga mamamahaya­g pagkatapos niyang isumite sa Malacañang ang kanyang memorandum. Ang memorandum na ito ay naglalaman ng opinyon ng Department of Justice hinggil sa kung paano wawakasan ang Visiting Forces Agreement dahil ito ang unang iniutos ni Pangulong Duterte sa DoJ nang magbanta ang Pangulo na kakanselah­in niya ang tratado kapag hindi ibinalik ang visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Eh si Foreign Secretary Teddy Locsin mismo ang nagsabi na: “Seryoso sa kanyang paninindig­an ang Pangulo na wakasan ang VFA.” Kaya, naitanong ko tuloy kung sino ang kukurap, ang Pangulo o ang Kano? Ang Pangulo pala gayong wala pang reaksyon ang mga Kano.

“Hindi ito desisyong batay sa kapritso kundi pinag-aralang kasagutan sa paghihimas­ok at atake sa soberanya ng Pilipinas,” wika ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo sa pagdepensa niya sa Pangulo sa layunin nitong tapusin na ang VFA. Fake news

itong inihayag na ito ni Panelo. Hindi masasabi ito ng Pangulo. Banyaga sa kanya ang soberanya. Kaya nga niya ibinasura ang arbitral ruling na napanaluna­n ng ating bansa dahil wala siyang pakialam sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea. Kahit ba ang bahagi ng ating exclusive economic zone ay gawin nitong isla upang maging paliparan at imbakan ng mga kagamitang pangdigma. Kaya fake news itong ipinaangki­n ni Panelo na dahilan ng Pangulo sa pagnanais niyang wakasan ang VFA ay dahil ang ginawa nitong sangkalan ay ang pagkakanse­la ng Amerika sa visa ni Sen. Bato. Hindi ba kapritso ang kanyang ginawang dahilan? Ang pakikitung­o natin bilang bansa sa isang bansa ay nakaangkla sa personal na interes lamang ng isang tao.

Kung pinag-aralan ng Pangulo ang silakbo ng kanyang damdamin laban sa VFA dahil sa ginawa ng Amerika kay Sen. Bato, bakit ngayon lang niya iniutos kay Justice Secretary Guevarra ang pagaralan ang magiging paunang epekto sa bansa

kapag winakasan ang VFA? Bakit ayaw namang sarilinin ni Guevarra ang tungkuling ipinagagaw­a sa kanya ng Pangulo? Ayon sa kanya, imumungkah­i niya sa Malacañang na pulungin ang Cabinet Cluster on justice and security at ang VFA Commission na gagawa ng malalim at komprehens­ibong pag-aaral ng magiging epekto ng pagkansela sa VFA. Nararapat na ito ang mangyari dahil bihasa sa isyu ang mga magaaral kabilang na rito ang Department of National Defense, Armed Forces of the Philippine­s, Department of Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs, National Bureau of Investigat­ion, National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency at Office of the Executive Secretary.

Iba talaga si Pangulong Digong. Mula sa kawalan, gagawa ng mga mabibigat na polisiya at desisyon saka pagaaralan ng kanyang mga katoto. Hindi kaya may mas mahalagang isyu ang gustong takpan sa ginawang ito ng Pangulo?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines