Top 20 films ng South Korea nitong 2019

Balita - - Showbiz - Ni JONATHAN HICAP Parasite at Extreme Job

NANGUNA ang action-comedy film na Extreme Job sa Korean box office ng 2019, na nakitaan ng malaking pagtaas ng ticket sales sa film industry.

Base sa datos ng Korean Film Council (KOFIC), may kabuuang $1.65 billion ang overall film sales sa Korea noong 2019, na tumaas ng 5.5 percent mula sa $1.57 billion noong 2018. Nakapagben­ta rin ang Korean film industry ng 226.68 million tickets last year, mas mataas ng 4.8 percent mula sa 216.39 million noong 2018.

Nanguna sa listahan ng Korean box office ng 2019, ang Extreme Job, na inilabas noong

Jan. 23, 2019 kung bumida sina

Ryu Seung-ryong at Lee Ha-nee, selling 16.26 million tickets at kumita ng $118.39 million.

Pumangalaw­a sa listahan ang Avengers: Endgame, ini-released noong April 24, na may 13.93 million tickets sold at $103.58 million na kita. Nasa ikatlong puwesto ang Frozen 2, sa 12.36 million tickets at $94.61 million kita, kasunod ang Aladdin na may 12.55 million tickets at $90.67 million sa box office sales.

Pasok din sa ikalimang puwesto ang award-winning Parasite na may 10.08 million tickets sold at $72.81 million sales.

Nasa ikaanim hanggang ikasampung puwesto naman ang mga sumusunod: Exit, 9.42 million tickets at $67.17 million sa box office revenue; Spider-Man: Far From Home, 8.02 million tickets ar $58.5 million; Ashfall, 6.29 million tickets, $44.85 million; Captain Marvel, 5.8 million tickets at $43.66 million; at ang Joker, 5.24 million tickets at $38.74 million.

Pasok din sa 11th hanggang 20th ang: The Battle: Roar to Victory, 4.78 million tickets, $34.41 million; The Lion King, 4.74 million tickets, $35.2 million; The Bad Guys: Reign of Chaos, 4.57 million tickets, $33.53 million; Kim Ji-young, Born 1982, 3.67 million tickets, $25.68 million; Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw, 3.65 million tickets, $27.33 million; Toy Story 4, 3.4 million tickets, $24.38 million; Money, 3.38 million, $24.47 million; The Gangster, The Cop, The Devil, 3.36 million tickets, $24.7 million; Crazy Romance, 2.92 million tickets, $21.09 million; at MAL•MO•E: The Secret Mission, 2.81 million tickets, $20.08 million.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.