Balita

Nicole at Jennylyn walang ilangan

- Ni NITZ MIRALLES

HINDI maiwasang tanungin si Nicole Donesa kung kumusta ang pagtatraba­ho nila ni Jennylyn Mercado sa Descendant­s of the Sun, lalo na at pareho silang member ng Medical Team ng teleserye. Doctor ang role ni Jennylyn at nurse naman si Nicole, kaya madalas silang magka-eksena.

May rason ang pagtatanon­g ng press kay Nicole sa mediacon ng DOTS dahil may common denominato­r sila ni Jennylyn at ‘yun ay si Mark Herras. Ex-boyfriend ni Jennylyn si Mark at boyfriend siya ngayon ni Nicole.

“Wala kaming problema ni Jennylyn, mabait siya, profession­al and it is a pleasure to be working with her. Alam kong ex siya ni Mark, pero hindi naman namin napag-usapan si Mark. Masaya ang set, nagba-bond kami and everybody is working hard para mapaganda ang DOTS,” kita n’yo naman ang ganda ng pilot episode,”sabi ni Nicole.

In fact, kasama rin si Mark sa DOTS, pero guest lang at kasama sa bad guys na pinamumunu­an ni Neil

Ryan Sese. Wala rin silang eksena ni Nicole na magkasama at dahil wala si Mark sa mediacon, hindi nausisa sa pagsasama-sama nilang tatlo.

Biggest teleserye ni Nicole sa GMA-7 ang DOTS, kaya big blessings ito sa kanya.

She auditioned for “Nurse Via’s” role at noong pa lang malaman na nakapasa siya sa audition, tuwang-tuwa na siya. Karamihan sa kasama niya saDOTS ay ngayon lang niya nakatrabah­o at thankful siya na makilala pa ang ibang Kapuso stars.

Sa February 10, ang pilot ng DOTS pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa direction ni Dominic

Zapata. Pasabog agad sa mga eksena ang pilot episode, ‘yung tipong after watching the pilot episode, kailangang­ang subaybayan mo para malaman ang mga susunod na mangyayari.

 ??  ?? Jennylyn
Jennylyn
 ??  ?? Nicole
Nicole

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines