Balita

Rhian, mapapasaba­k sa sampalan with Carla

- Ni NORA V. CALDERON

HULING teleserye pa ni Rhian Ramos sa GMA Network, ang The One That Got Away noong 2018. Humingi muna siya ng bakasyon sa network dahil gusto niyang magaral sa New York. Kung bumabalik siya sa bansa, naggi-guest lamang siya sa mga shows at balik muli sa New York.

But now, she’s back, para sa bagong primetime teleserye, ang Love of my Life, na dinidirek ni Don Michael Perez.

Si Rhian ay si Kelly Generoso, single mom. Anak niya si Gideon (Ethan Hariot) na binubuhay niya through her direct selling business.

Kuwento ni Rhian sa mediacon ng serye: “Anak namin si Gideon ni Stefano Gonzales

(Tom Rodriguez), pero kasal na siya kay Adelle Nisperos (Carla Abellana), a widow pero may anak, si Andre (Raphael Landicho) sa former husband niya. Nang ma-diagnose si Stefano na may pancreatic cancer, ipinatawag niya kami ng anak niya para ipakilala sa Mom niya, si Isabella Gonzales (Coney Reyes).”

Gugulo raw ang buhay nila nang pilitin ni Isabella na mag-stay sina Kelly at Gideon sa bahay nila, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaint­indihan, madalas may competitio­n sa dalawang babae para sa atensyon ni Stefano.

Mahirap ba ang role nila ni Carla? “Yes, totohanan ang mga sampalan at sabunutan namin ni Carla sa mga catfight scene,” natatawang sagot ni Rhian. “Si Direk Don kasi gusto niya totohanin namin para maging convincing ang scene at huwag nang ulitin kung awkward ang eksena. Masakit kung minsan, pero kahit iwasan namin ni Carla, totoong nagkakasak­itan din kami pero naitawid naman namin ang bawat eksena.”

No problem naman kina Rhian at Carla, dahil second time na nila itong magkasama sa serye, with Tom. Ginawa na nila noon ang My Destiny pero mas intriguing ang story ng “Love of my Life.”

Sa Monday, February 3 na ang world premiere ng “Love of my Life” pagkatapos ng The Gift. Papalitan nila ang romantic-comedy series na One of the Baes, a production venture ng GMA News and Public Affairs.

 ??  ?? Rhian
Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines