Balita

Billie Eilish may ‘special performanc­e’ sa Oscars show

-

LOS ANGELES – MAY special performanc­e ang newly minted Grammy winner na si Billie Eilish sa Oscars ngayong Pebrero, ayon sa pagbabahag­i ng mga organizers, kung saan inaasahan ng lahat na iparirinig n ginger ang kanyang bagong James Bond movie theme song.

Big winner ang 18-anyos na singer sa ginanap na Grammy Awards nitong Sunday matapos makuha ang apat na top prizes – kabilang ang album, record, song of the year at best new artist. Siya rin ang ikalawang musician na nangwagi ng four top Grammy awards sa iisang show.

Una nang inanunsiyo ni Billie at ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa kanilang social media feeds ang balita, bagamat ibinahagi lamang ng singer na “she would take to the Oscars stage for a special performanc­e.”

Hindi naman kasali ang Los Angeles teen sa roster of stars na nakatakdan­g mag-performed ng music na nominado sa best original song category, kabilang sina Elton John, Idina Menzel, Cynthia Erivo, Randy Newman at This is Us actress Chrissy Metz.

Gayunman, nauna nang ibinalita nitong nakaraang buwan, na nakatakdan­g mag-record ang Bad Guy singer ng kanta para sa upcoming Bond movie, na No Time to Die. Hindi inirerelea­se ang kanta bago ang nakatakdan­g pagpapalab­as ng pelikula sa Abril.

May history ng pagkapanal­o ang James Bond theme songs Oscars. Una nang nanalo si Adele para sa best original song Oscar noong 2012 movie Skyfall at si Sam Smith noong 2016 para sa Spectre.

Oscars, ang itinuturin­g na highest awards sa movie industry, na nakatakdan­g idaos sa Hollywood sa Feb. 9.

 ??  ?? Billie
Billie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines