Balita

Ika-26 na labas

- R.V. VILLANUEVA

DAHIL sa malamig na hanging humahampas kina Rolan at Allea habang sakay ng bangkang de-motor na tuloy sa mabilis na paglalakba­y sa malawak na Dagat Pasipiko, unti-unting nakaramdam ng antok ang batang babae. Dahil napaghanda­an ni Rolan ang magaganap na pangyayari sa kanilang paglalakba­y, kinuha niya ang makapal na jacket sa sakbat na bag at ibinigay kay Allea. Walang sinayang na sandali ang batang babae, mabilis niyang isinuot ang jacket at dahil ganap nang tinalo ng antok, nahiga sa gitna ng bahagi ng bangkang patuloy sa mabilis na paglalakba­y. At sa paminsang-minsang pagtungga ng inuming nakakalasi­ng na gawa sa katas ng halamang sasa, napagwagia­n ni Rolan ang lamig na dulot ng paghampas ng malamig na hangin at malawak na karagatan.

“Hustong sumisikat ang araw, tiyak, nakarating na kami ni Allea sa lugar na usapan namin ni Lolo Mundong na magkikita,” wika ni Rolan matapos tumungga ng alak na barikolkol sa bote.

Hindi nagkamali si Rolan sa pagtaya sa kanilang paglalakba­y dahil narating ng bangkang de-motor na kinalulula­nan nila ni Allea ang bayan na hintayan nila ni Lolo Mundong sa takdang oras. Matapos makarating sa daungan ng mga bangka, itinabi niya ang sinakyan nilang bangka ni Allea at itinali ang lubid ng bangka sa isa sa posteng nakatirik sa aplaya na gawa sa semento. Dahil maraming beses ng nakapunta si Rolan sa bayang hintayan nila ni Tandang Mundong na nasa tabi ng Dagat Pasipiko, tuloy-tuloy lamang silang naglakad ni Allea papunta sa lugar na hintayan nila ng matandang albularyo. Dahil wala pa sa lugar si Tandang Mundong sa lugar, nagpasiya si Rolan na tumuloy sila sa karinderya­ng nasa gilid ng highway kung saan dumadaan ang mga bus na papuntang Metro Manila. At dahil nakaramdam nang kalam ng tiyan dahil sa gutom, agad ininom ng dalawa ang kape at kinain ang tinapay na inorder para mainitan ang sikmura at malamnan ang tiyan.

“Wala pa si Lolo Mundong kuya Rolan,” wika ni Allea habang nakatanaw sa highway.

“Tiyak na nabalam lang ang sinakyan niyang bus kaya wala pa,” sagot ni Rolan. “Pero, huwag kang mag-alaala, tiyak na darating siya dahil wala siyang balak magtagal sa barangay Alagaw.”

“Gusto ko sanang sumama sa libing nila itay at inay, kaya lang tiyak na hindi ako papayagan ni Lolo Mundong,” wika ni Allea na muli, umagos ang luha sa magkabilan­g pisngi.

“Allea, nauunawaan kita, kahit sinong anak gustong makasama sa paghahatid sa huling hantungan ng kanilang magulang,’’ paliwanag ni Tandang Mundong. “Ngunit sana maunawaan mong para sakaligtas­an mo ang ginagawa namin ni Lolo Mundong.”

“Lubos at ganap kong nauunawaan ang gusto ninyong mangyari,

kuya Rolan,” sagot ni Allea. “Dahil kung mapapahama­k din ako, wala ng

magbibigay ng katarungan sa pagkamatay nila itay at inay.”

“Tama ka, Allea,” sagot ni Rolan. “Kaya kailangan mong mabuhay kung gusto mong mabigyan ng katarungan ang iyong mga magulang.”

“Ganoon nga ang gagawin ko, kuya Rolan,” wika ni Allea. “Hindi ako titigil hanggang hindi ko sila nabibigyan ng katarungan.”

Natigil ang mahinang pag-uusap nila Rolan at Allea sa paksang may kaugnayan sa malagim na sinapit ng mga magulang ng batang babae dahil nakita nila si Tandang Mundong na bumaba sa bus na tumigil sa gilid ng highway sa tapat ng karenderya. Dahil lugar lamang ang usapan nila Tandang Mundong, mabilis na lumabas ng karinderya si Rolan para salubungin ang matandang albularyon­g patuloy ang paggalugad ng tingin sa paligid ng binabaang lugar. At dahil malinaw pa ang paningin kahit mahigit ng animnapung taong gulang, kaagad nakita ni

Tandang Mundong ang kumakaway na apo sa labas ng karinderya­ng nasa gilid ng highway. Walang sinayang na sandali ang matandang albularyo, mabilis siyang naglakad patungo sa karinderya­ng kinaroonan ni Rolan at Allea. Sa loob ng karinderya, omorder si Rolan ng kape para kay Tandang Mundong upang muli silang makapag-usap bago bumiyahe papuntang Metro Manila kasama si Allea.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines