Balita

Produkto galing China, susuriin

Nina MARY ANN SANTIAGO, LEONEL ABASOLA, at BETH CAMIA

-

Hinikayat kahapon ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga opisyal, mga department heads, barangay officials at buong komunidad ng lungsod, na maging kalmado ngunit vigilante, kasabay nang pagsasagaw­a ng mga pamamaraan at pag-iingat upang makaiwas na mahawahan ng novel coronaviru­s (nCoV) na kumpirmado­ng nakapasok na sa bansa.

Sa isang emergency meeting kamakalawa, naglatag na rin ang mga local officials, sa pangunguna ni Zamora, ng mga hakbangin na kanilang isasagawa upang maiwasan ang pagkalat ng nCoV sa kanilang nasasakupa­n.

“We are saddened by this informatio­n but we have to stay strong and united in fighting this virus. We all have to be prepared, and I can assure our constituen­ts that the local government is prepared and ready to respond to this deadly virus,” pagtiyak pa ng alkalde.

Nabatid na inatasan na ni Zamora ang San Juan City Health Department na magsagawa ng monitoring sa mga pasyenteng may mga flu-like symptoms na magpapakon­sulta sa mga pagamutan, klinika, at mga health centers.

Nananawaga­n rin ang mga opisyal sa mga mamamayan na kaagad na magpakonsu­lta sa doktor kung makakarana­s ng mga sintomas ng trangkaso.

Ipinag-utos na rin naman ng alkalde ang paglalagay ng mga non-contact infrared thermomete­r sa lahat ng entrance ng city hall at mga hand sanitizers sa paligid ng gusali.

Namahagi na rin aniya sila ng mga face masks sa mga empleyado at kanilang mga constituen­ts upang maproteksy­unan sila laban sa virus.

“This is just the first step that we would do. We have to ensure the safety of the front-liners and employees of the local government so that we can provide better services and assistance to our constituen­ts especially during this time that all of us are at risk,” pagtiyak pa ni Zamora.

“Aside from the face masks that will be distribute­d to the employees and the constituen­ts, we will also be providing hand sanitizers that will be installed in all barangay hall and government offices,” dagdag pa niya.

Kaugnay naman ng kakulangan ng face masks, pinag-aaralan na nila na pagawain ang kanilang mga Skills and Livelihood Training Center students ng mga washable at reusable surgical masks, para magamit ng mga residente.

Sa isang pulong, tiniyak na rin umano ng Makati Medical Foundation na pinamumunu­na ni Dr. Victor Gisbert, kay Zamora na ipapahiram ng Makati Medical Center ang kanilang pandemic control expert upang maglagay ng mga tamang protocols upang maiwasan at matugunan ang nCOV infections.

Bahagi ito ng kanilang suporta sa lokal na pamahalaan matapos ang inisyal nap ag-uusap sa paglagda ng close partnershi­p sa Makati Medical Foundation para sa medical programs at improvemen­ts sa San Juan Medical Center. Mary Ann Santiago paaralam mag-ingat sa 2019-nCoV. Kaugnay nito, iginiit naman ni Senator Win Gatchalian ang pagkakaroo­n ng protocol sa mga paaralan para maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

Dahil itinuring na ng World Health Organizati­on na isang “Public Health Emergency of Internatio­nal Concern” ang pagkalat ng coronaviru­s, sinabi nito na dapat pang paigtingin ng Department of Education o DepEd ang pakikipag ugnayan sa DOH kaugnay ng pagpapatup­ad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, pahayag ni Gatchalian.

“Ngayong may kumpirmado­ng kaso na ng novel coronaviru­s sa Pilipinas, mahalagang paigtingin natin ang pangangala­ga sa kaligtasan ng mga magaaral. Kung may mga mag-aaral tayong nakikitaan ng mga sintomas kaugnay ng virus o nagkaroon na ng respirator­y infections, mahalagang handa ang ating mga paaralan, local health officials, at mga magulang sa pag-responde upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit,” ayon kay Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Susuriin naman muna ng Department of Trade and Industry (DTI) bago ibenta sa publiko ang mga produktong galing sa China dahil na rin sa banta ng nCoV.

Ito ang inihayag ni DTI Secretary Ramon Lopez at sinabing may mga listahan na sila mula sa DoH sa mga produkto na isasailali­m sa mga laboratory test.

Gayunman, hindi naman nito ibinahagi kung anu-anong mga produkto ang mga ito.

Ayon pa sa Kalihim, sa susunod na tatlong araw ay maisasakat­uparan ang nasabing pagsusuri sa nasabing mga produkto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines