Balita

Belgian, 3 pa tiklo sa party drugs

- Bella Gamotea

Apat na umano’y party drugs supplier kabilang ang isang Belgian national ang nalambat ng mga tauhan ng Taguig City Police sa magkakasun­od na buy-bust operations sa nasabing lungsod, nitong Biyernes.

Ayon kay Colonel Celso Rodriguez,hepe ng pulisya,dakong 3:00 ng hapon unang naaresto sa buy-bust operation ng mga pulis laban sa suspek na si Angelica Rillona y Solita,19,dalaga ,estudyante,nakatira sa 2575 G. Del Pilar San Andres Barangay 759, Manila, sa isang coffe shop,SM Aura Bonifacio Global City,Bgy. Fort Bonifacio sa Taguig City.

Nasamsam kay Rillona ang hinihinala­ng ecstacy at sa gitna ng interogasy­on ituro nito ang pinagkunan ng nasabing droga na isang Marc Erick Barcelon,25,college graduate,ng 142 Washington St., Bgy. Merville Park, Paranaque City na nadakip naman sa ikinasang follow-up buy-bust operation sa harapan ng Green Residence,Taft Avenue,Manila,bandang 4:00 ng hapon.

Matapos makumpiska­han din ng umano’y mga ecstacy,inginuso naman nito ang isang Jonas Callejas y Sera,24,estudyante, ng 1894 Donado St.,Bgy. San Isidro, Pasay City na kanyang ikinaarest­o sa harapan ng Net World Casino,Buendia sa Pasay City na nahulihan din mga mga ‘party drugs’,pagsapit ng 5:45 ng hapon.

Dahil sa pagkakadak­ip kay Callejas,itinuro naman nito ang main source na si De Wolf David, 31.isang Belgian national, Online Sales

Representa­tive sa Upwork.Com ,at nanunulyan sa 219 P. Rosales, Bgy. Sta. Ana, sa Taguig City, na nalambat sa kahabaan ng Almeda St., malapit sa Shell gasoline station,Bgy. Ususan sa nasbaing lungsod,ng 8:30 ng gabi nitong Biyernes.

Sinabi ni Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) chief, Cpt Ariel Ilagan, na narekober sa Belgian suspect ang isang zip lock na naglalaman ng 20 pink capsules ‘ecstacy’;isang zip lock na may 15 pink capsules at limang green capsules ‘ecstacy’;isang zip lock na may lamang 20 pink capsules ‘ecstacy’;isang zip lock na may limang green capsules ‘ecstacy’;isang zip lock na naglalaman­ng 10 pink capsules ‘ecstacy’; isang zip lock candy wrapper Wrigleys Extra brand;isang zip lock na may laman na hinihinala­ng high grade Marijuana Kush;isang zip lock na may kargang pinatuyong dahon at fruiting tops ng ‘marijuana’; zip lock na may dalawang pink capsules at apat na tablets apple green ‘ecstacy’; dalawang zip lock na may high grade Marijuana Kush; dalawang zip lock na naglalaman ng powder substance na sinasabing ecstasy;isang empty zip lock double mint brand;isang zip lock na naglalaman ng empty capsules at isang repacking capsule apparatus.

Nakakulong ang apat na suspek at sasampahan ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines