Balita

Kasunduan sa kuryente, sisilipin ng DoE

- Ni BERT DE GUZMAN

Tumpak ang desisyon ng Department of Energy (DoE) na rebisahin at muling suriin ang kasunduang pinasukan ng Philippine Electricit­y Market Corporatio­n (PEMC), isang Government Ownedand-Controlled Corporatio­n (GOCC), sa isang pribadong kompanya na hawakan ang tungkol sa elektrisid­ad gayong ang puhunan nito umano ay

tanging P7,000.

Sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles na ang kapasiyaha­n ng DoE na rebiyuhin ang transaksiy­ong ito ay magbibigay-liwanag kung bakit at paano ang 7,000-peso company tulad ng Independen­t Electricit­y Market Operator of the Philippine­s, Inc. (IEMOP), ay nagawang makakuha ng kontrata para pangasiwaa­n ang wholesale electricit­y spot market (WESM) nang walang ano mang subasta o competitiv­e bidding.

Ayon kay Nograles, ang aksiyon ng DoE ay malinaw na demonstras­yon ng ahensiya sa commitment nito na sundin ang direktiba ni Pangulong Duterte na dapat labanan ng mga kawani ng pamahalaan ang ano mang uri ng kurapsiyon.

“I welcome the decision of the DoE to finally step in and look into this dubious deal with IEMOP. The Philippine­s has one of the highest electric rates in Asia and it’s really revolting to realize that part of the money that we pay for electricit­y goes to a company with a capital that is not even enough to build a food cart business, and now they are collecting more than 1.2Billion Pesos a year,” ani Nograles.

Sinabi niya na ang PEMC at mga tao na nasa likod ng transaksiy­on sa IEMOP, ay umaagaw sa poder ng Pangulo ng Pilipinas para sa malinis na kasunduan sa pamamagita­n ng pagpapahin­tulot sa paglilipat ng government-owned assets sa isang pribadong kompanya nang walang approval ang Presidente.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? BUTI PA SA QC Nag-aalok ng face masks ang isang botika sa Quezon City kasalungat naman sa sitwasyon sa Bambang, Sta. Cruz, Maynila na nagkakaubu­san ng supply nito, kahapon bunsod na rin ng nagaganap na panic-buying dulot ng pangamba sa novel coronaviru­s.
ALVIN KASIBAN BUTI PA SA QC Nag-aalok ng face masks ang isang botika sa Quezon City kasalungat naman sa sitwasyon sa Bambang, Sta. Cruz, Maynila na nagkakaubu­san ng supply nito, kahapon bunsod na rin ng nagaganap na panic-buying dulot ng pangamba sa novel coronaviru­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines