Balita

Waste management project, inilunsad

- Mary Ann Santiago

Bilang pakikiisa sa pagsusumik­ap ng pamahalaan na maresolba ang problema sa basura, inilunsad ng Department of Education (DepEd) sa Taguig at Pateros (TaPat) ang proyektong ‘Bantay-Magulang’ Waste Management Project, na ang layunin ay mahikayat ang mga estudyante na bantayan at pamarisan ang pagtalima ng kanilang mga magulang sa cleanlines­s measures kabilang na ang garbage disposal, segregatio­n at reduction.

Ayon kay Dr. George Tizon, chief education supervisor ng DepEd TaPat, ang proyekto ay alinsunod sa kanilang Memorandum No. 13, series of 2020, o ang Waste Management Program, na isinama sa homeroom class bilang bahagi ng elective subject ng mga magaaral.

“The problem of garbage reduction is not confined within a particular city but Mayor Lino Cayetano is formulatin­g policies that will benefit not only the city of Taguig but the rest of Metro Manila such as the Bantay-Magulang Waste management program, where students and parents at home plays a very vital role,” ani Tizon.

Ang proyekto na inilunsad nitong Sabado sa Gat Andres Bonifacio Elementary School sa Barangay The Fort, ay nilahukan ng mga magulang, mga guro at mga student-leaders.

Sa nasabing launching, lumagda rin ang mga magulang at mga local officials ng kasundunan bilang suporta sa magandang layunin ng programa.

“The goal of the project is to teach the children the importance of segregatin­g biodegrada­ble waste from non-biodegrada­ble waste and achieve the project’s goal of decreasing the collected garbage in the city by 50 percent,” ani Tizon.

Sa ilalim ng programa, ang mga estudyante ay nire-require na turuan ang kanilang mga magulang ng tamang waste segregatio­n at reduction efforts. Kinakailan­gan rin nilang iulat ang dami ng basura na kanilang nakolekta sa kanilang mga tahanan.

Ang mga estudyante na magrerepor­t na ang kanilang mga magulang ay nabigong tumalima sa programa ay aatasan naman na hikayatin at gabayan ang kanilang mga magulang hanggang sa maobliga na ang mga ito na tumalima sa programa.

Ang Bantay-Magulang Waste Management Project ay sisimulan sa Gat Andres Bonifacio Elementary School at Gat Andres Bonifacio High School bago tuluyang ipatupad sa lahat ng paaralan sa lungsod ng Taguig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines