Balita

Bangkay ng babae at lalaki, natagpuan

- Mary Ann Santiago

Kapwa duguan at wala ng buhay nang magkasunod na matagpuan ang isang babae at isang lalaki sa magkahiwal­ay na lugar sa Port Area at Tondo, Manila, sa pagitan lamang umano ng isang oras.

Batay sa ulat ng Manila Police DistrictCr­imes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), nabatid na unang nadiskubre ang bangkay ng isang ‘di kilalang babae na tadtad ng bala ang iba’t ibang bahagi ng katawan at inilarawan­g nasa 35-40 anyos ang edad, nasa 4’7” ang taas, nakasuot ng asul na long sleeved na may polkadots at maong shorts.

Ayon kay PMSG Jansen Rey San Pedro, may hawak ng kaso, dakong 7:55 ng gabi ng Enero 29, ay nakarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril sa Block 13, Baseco Compound, Port Area, kaya’t ini-report ang insidente sa mga barangay officials.

Dito na nila nakita ang nakahandus­ay na patagilid na bangkay ng babae.

Narekober ng mga awtoridad mula sa tabi ng bangkay ang isang leather bag na naglalaman ng apat na unit ng cellphone, mga damit , kwintas, pares ng hikaw at dalawang singsing.

Samantala, dakong 11:30 ng gabi ng nasabing petsa ay natagpuan rin ang isa pang hindi kilalang lalaki na patay na at naliligo sa sariling dugo sa ilalim ng tulay sa Mel Lopez Boulevard, sa Tondo.

Inilarawan lamang ang lalaki na nasa 30-35-anyos ang edad , 5’6” ang taas, tadtad ng tattoo ang mga braso at katawan , miyembro umano ng Sputnik Gang, nakasuot ng brown na sando, brown na striped shorts at gray na tsinelas.

Ayon kay PCPL Arvin Bautista, may hawak ng kaso, tinungo ng mga tauhan ng Smokey Mountainn-Police Community Precinct (PCP) ang nasabing tulay nang makatangga­p ng tawag mula sa 911 hinggil sa duguang lalaki na nakabulagt­a roon.

Nang busisiin, natuklasan­g may tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang lalaki.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang motibo sa dalawang insidente ng pagpatay at kung sinu-sino ang mga taong may kagagawan nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines