Balita

Infrared thermomete­r ipinamahag­i sa public schools sa Maynila

- Mary Ann Santiago

Namahagi ang Manila City Government, sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno ng mga infrared thermomete­rs sa mga public elementary at high school sa lungsod, upang magamit nila sa pagtukoy kung may lagnat ba ang kanilang mga magaaral.

Sa gitna na rin ito ng pangamba ng mga mamamayan na kumalat na rin sa bansa ang kinatataku­tang novel coronaviru­s (nCoV) na nambibikti­ma na ngayon sa China at iba pang bansa.

Ayon kay Moreno, bukod sa mga public elementary at high schools, kabilang din sa napamahagi­an nila ng may 500 infrared thermomete­rs ang mga city-run colleges, health centers at city hospitals sa lungsod.

Nabatid na ang mga naturang thermomete­rs ay donasyon umano ni Harwin Chen ng MorganStar Co.

Sinabi naman ni Moreno na malaki ang maitutulon­g ng mga naturang high tech devices para maging mas madali ang pagtukoy kung may lagnat ang isang indibiduwa­l, sa pamamagita­n lamang nang pagtatapat nito sa kanilang noo at wala nang anumang physical contact.

Sa sandali namang matukoy na may lagnat ang isang estudyante ay kaagad siyang ipapadala sa klinika o malapit na health center upang malapatan ng lunas at maturuan ng mga dapat pang gawin, sakaling makitaan ng sintomas ng virus.

Ani Moreno, mas mainam pa rin na maagapan ang karamdaman upang hindi na ito lumala at makahawa pa.

Una na rin namang namahagi ng may 650,000 face masks ang alkalde sa mga estudyante, barangays, city employees at jail personnel, at iba pa, na maaari nilang magamit bilang proteksiyo­n lalo na kung kinakailan­gang magtungo sa mga matataong lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines