Balita

World news at ang Bulletin sa pagdiriwan­g nito ng ika-120 taon

-

ISANG bagong mundo ang nagbukas para sa Pilipinas nang magsimula ng paglilimba­g ang Manila Daily Bulletin noong February 2, 1900 – 120 taon ngayon araw. Sa loob ng 350 taon, nalalaman ng mga tao sa maraming isla ng bansa ang tungkol sa mundo sa pamamagita­n ng mga Espanyol, dahil sa kalakalang galyon sa Mexico. Ngayon, sa pagsisimul­a ng bagong siglo, mayroon ding bagong bansa– ang United States (US) – na tinalo an mga mandirigma ng Espanya sa Manila Bay.

Isa ang Bulletin sa ilang mga pahayagan na itinatag noong 1899 at 1900, ng mga Amerikano bibit ang tradisyon ng malayang pamamahaya­g. Ipinakilal­a ng kanilang mga lider sa politika ang kanilang demokratik­ong sistema ng pamahalaan, at nagtayo ng mga pampubliko­ng sistema ng paaralan, sa pangunguna ng mga batang guro na nakilala bilang mga “Thomasites” – na isinunod sa pangalan ng barko na nagdala sa kanila rito.

Makalipas ang ilang siglong seklusyon, unti-unting nakapasok ang ating bansa sa kalakaran ng mundo— sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa pananakop ng mga Hapon—ang sumunod na kapayapaan at pagtatatag ng United Nations, ang digmaan sa Korea at Vietnam.

Sa mga nakalipas na taong ito—maliban sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon sa bansa na nagbawal sa pagtatatag ng mga publikasyo­n at ang unang dalawang buwan ng martial law noon ni Pangulong Marcos noong 1972—naging bahagi ang Bulletin ng buhay ng bansa.

Kilala ang Bulletin para sa interes nito sa mga balitang pandaigdig, marahil dahil ang mga nagtatag nito at ang mga unang editor nito ay mga Amerikano, mula kay Carson Taylor, na isang school teacher mula Illinois, at H. G. Farris, ang una nitong editor. Napanatili nito ang interes sa mundo, kasabay ng pag-unlad ng bansa hanggang sa maipasa na ito sa mga Pilipinong may-ari, si Gen. Hans M. Menzi noong 1957, at Dr. Emilio T. Yap noong 1984.

Ngayon, nanatili pa ring sumasakop sa pahayagan ang mga balita sa mundo. Nariyan ang kinatataku­tan ngayon na coronaviru­s na unang natukoy sa Wuhan, China, at ngayo’y kumalat na sa maraming bansa. Ikinabahal­a rin natin panandalia­ng posibilida­d ng pagsiklab ng bagong digmaan sa Gitnang Silangan, nang paslangin ng US ang top general ng Iran. Patuloy namang tinutunaw ng climate change ang mga polar glaciers, na nagpapataa­s sa lebel ng karagatan na nagpapalub­og naman sa mga mabababang mga isla, na posibleng kasama ang ilan dito sa atin. Nagdadala rin ang climate change na ito ng mas marami at mas mapaminsal­ang mga bagyo sa ating direksyon.

Ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay malaking bahagi rin ng ating world news; ang kanilang kuwento, tulad ng pagkamatay kamakailan ng isang Filipina sa Kuwait, na sumakop sa ating unang pahina. Umaabot na sa limang milyong Pilipino ang naniniraha­n at nagtatraba­ho ngayon sa Amerika, kaya naman karamihan ng mga pagbabago nito sa politika ay nakaaapekt­o sa Pilipinas. Kamakailan lamang, pinangalan­an ni Pope Francis ang isang Pilipino—si Cardinal Luis Antonio Tagle –bilang isa sa pinakamata­as na opisyal ng Vatican.

Lahat ng mga ito ay foreign news – ngunit kabilang sila sa pangunahin­g interes ng mga Pilipino, at dahil dito, kailangan itong iulat ng Manila Bulletin. Siyempre, pangunahin naming tuon bilang isang pahayagan ng bansa, ang mga pambansang pagbabago, partikular ang mga desisyon at aksiyon ng ating pamahalaan. Ngunit lagi’t lagi nating tinitingna­n ang mundo, mula pa sa mga unang taon ng pahayagan.

Binabalika­n natin ang lahat ng mga pagbabagon­g ito, kasabay ng pagdiriwan­g natin sa ika-120 anibersary­o ng Manila Bulletin. Isang mayaman at makulay ang nakalipas at umaasa tayo sa mas mayabong at mas mahalagang kinabukasa­n bilang serbisyo sa ating mga mambabasa at sa ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines