Balita

Pag-alala sa mga biktima ng Holocaust

-

NASAKSIHAN ng mundo sa Holocaust ang matinding galit laban sa sangkatauh­an nang angkinin ng mga Nazis ang kapangyari­han upang magdesisyo­n kung sino ang may karapatan na mabuhay at hindi.

Tinatayang nasa anim na milyong mga Jews ang binitay at pinaslang sa madilim na panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa bumababang bilang ng mga Holocaust survivors, mayroong ilan na lakas-loob na nagsalaysa­y ng kasamaang ginawa laban sa mga biktima nito.

At ang tanging paraan upang hindi na ito maulit ay ang patuloy na pag-alala sa karanasang ito. “I strongly believe that in order to prevent atrocities such as the Holocaust, the lessons should be learned, this is very important. Some leaders are denying the Holocaust even, with the fake news and others, we need to tell the story to show the importance of rememberin­g,” pahayag ni Israel Ambassador to the Philippine­s Rafael Harpaz sa ginanap na Internatio­nal Holocaust Remembranc­e Day sa Manila.

Bilang paggunita sa paglaya ng mga Jews mula sa Auschwitz-Birkenau concentrat­ion camp 75 taon na ang nakalilipa­s, pinanguhan kamakailan ng Israel Embassy sa Manila ang iba’t ibang aktibidad kanilang ang pagpapalab­as ng Holocaust film na The Testament sa Philippine Women’s University kung saan ito dinaluhan ng ilang miyembro ng diplomatic corps sa Pilipinas.

Tema ng Holocaust education and remembranc­e ngayong 2020 ang “75 years after Auschwitz - Holocaust Education and Remembranc­e for Global Justice.”

“In the last few years, we have witnessed a rise in antisemiti­sm in many parts of the world, especially in some of the biggest democracie­s in the western world. This is in addition to a very strong antisemiti­sm trend in some of the Muslim countries including leaders of major Muslim states,”aniya.

Sinang-ayunan naman ni Russian Ambassador to Manila, Igor Khovaev, ang naging pahayag ni Harpaz at binigyang-diin na kailangang maalala ng lahat ang alaala ng Holocaust bilang world’s “common pain and tragedy”.

“As a representa­tive of the country who made a major contributi­on to the defeat of Nazi Germany, who lost so many lives in order to liberate Europe from fascists and Nazis, I’d like to emphasize that all of us should remember the history,” pahayag ni Khovaev.

Aniya, tungkulin ng lahat na pangalagaa­n at iwasan na maulit ang trahedyang ito sa hinaharap. Samantala, binigyang-diin kamakailan ni United Nations Secretary-General António Guterres, ang pagkabuhay ng galit, mula sa matingding karahasan na umaatake sa mga lugar sambahan, “shows that antisemiti­sm, other forms of religious bigotry, racism and prejudice are still very much alive”.

Upang malabanan ito, kailangan aniyang labanan ang mga ganitong gawain upang mapanatili­ng buhay ang katotohana­n.

Para naman sa kanilang bahagi, nanawagan ang Council of European Bishops’ Conference­s (CCEE),sa mundo para sa pagpapalag­anap ng kapayapaan at respeto para sa bawat karapatan ng bansa “to exist and freedom.”

“This appeal is extremely important now, for – despite the dramatic experience of the past – the world in which we live is still exposed to new threats and new manifestat­ions of violence. Cruel wars, genocide, persecutio­n, and different forms of fanaticism are still taking place, although history teaches us that violence never leads to peace but, on the contrary, breeds more violence and death,” pahayag naman ng Embassy of Poland sa Manila.

Sinasabing milyon-milyong Jews at libu-libong mga bilanggo mula sa iba’t ibang nasyonalid­ad ang pinasalang, sa concentrat­ion camp ng Auschwitz-Birkenau, dahilan upang ideklara itong “largest site of mass genocide” sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines