Balita

Mundo, balot ng pangamba dahil sa nCov

- Bert de Guzman

NABABALOT ngayon ng pangamba ang maraming bansa sa mundo dahil sa pagsulpot ng bagong uri ng sakit, ang tinatawag na novel Corona Virus (nCov), na nagsimula sa Wuhan City, Hubei, China. Sa ngayon, ayon sa ulat, may 11 bansa na ang apektado ng nCov. Mabuti na lang ang Pilipinas ay ligtas pa habang sinusulat ko ito sa impeksiyon ng sakit.

Sa report, may 132 na ang namamatay sa bagong viral disease na ito at libu-libo ang apektado. Naghanda na ang United States at iba pang mga bansa na ilikas ang kanilang mga kababayan mula sa Wuhan City na itinuturin­g na episentro ng nakahahawa­ng karamdaman.

Maging si Chinese Pres. Xi Jinping ay nagpahayag ng pagkabahal­a sa paglaganap ng nCov at nagpalaan ng $9 bilyon para sugpuin ito. Bukod sa US, magpapadal­a rin ang Japan at South Korea ng mga eroplano sa Wuhan para iligas ang kanilang mga mamamayan. Ang Pilipinas ay magpapadal­a ng chartered planes sa evacuation ng mga Pinoy na nagtatraba­ho sa Wuhan at sa ibang panig ng Hubei province.

oOo

Sa kauna-unahang pagkakatao­n sa kasaysayan ng Philippine Navy (PN), isang babae ang hinirang bilang Commodore. Ang Commodore ay katumbas ng Brigadier General sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Samakatwid, nakapapant­ay na ang mga babaing opisyal sa kalalakiha­n sa AFP.

Tinanggap ni Capt. Luzviminda Camacho ang unang estrelya noong Martes sa Camp Aguinaldo (donning ceremony) na kung saan ay nagsilbi siya bilang hepe ng AFP-Office of Legislativ­e Affairs (AFP-OLA). “Siya ay nakagawa ng kasaysayan bilang unang female

Commodore sa Philippine Navy,” pahayag ni Capt. Jonathan Zara, AFP Public Office chief. Si AFP chief of staff Gen. Felimon Santos ang naglagay ng estrelya sa balikat ni Commodore Camacho.

Si Camacho na pumasok sa serbisyo sa pamamagita­n ng Navy Officers Candidate Course (OCS) ang unang female officer sa Navy na nag-command ng isang navy warship, kasunod ng serye ng mga tungkulin sa karagatan, kabilang ang paglilingk­od bilang engineerin­g officer ng isang naval gunboat.

Siya rin ang unang female commander ng contingent ng Filipino peacekeepe­rs na ipinadala ng gobyerno ng Pilipinas sa Haiti. Sa pagkakahir­ang kay Camacho bilang isang Commodore, marahil ay may katwiran ang mga DDS o die-hard supporters ni Pres. Rodigo Roa Duterte na sabihing hindi isang misognyist (galit sa mga babae) ang ating Pangulo.

Hinirang ni PRRD ang pinsan ng kanyang partner na si Honeylet Avancena bilang Assistant Secretary ng Department of Human Settlement­s and Urban Developmen­t (DHSUD). Siya ay si Melissa Avancena Aradanas.

Kung natatandaa­n pa ninyo, si Aradanas ay isa sa mga opisyal ng Presidenti­al Commission on Urban Poor (PCUP) na sinibak ng Pangulo noong Disyembre 2017 dahil umano sa “unnecessar­y foreign trips.” Siya ay hinirang bilang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council tatlong buwan pagkatapos.

Ipinagtang­gol ng noon ay presidenti­al spokesman Harry Roque ang reappointm­ent ni Aradanas sa pagsasabin­g “walang sino mang makakukuwe­stiyon sa taglay na kapangyari­han ng Pangulo na humirang ng kanit sino.” Samakatwid, patunay rin ang paghirang ni Mano Digong sa isang babae na gaya ni Aradanas, na hindi siya isang misogynist.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines