Balita

Pista ng Nuestra Senora dela Candelaria

- Ni CHRISTINA I. HERMOSO

IPINAGDIRI­WANG ngayong araw, Pebrero 2, ng mga deboto ng Our Lady of Candles (Nuestra Senora dela Candelaria) sa Jaro Metropolit­an Cathedral sa Iloilo City ang pista ng patron ng Western Visayas at Jaro, Iloilo.

Kabilang sa aktibidad ng pista ang tradisyuna­l na pagbabasba­s sa mga kandila, na iniuuwi ng mga deboto at bisita, tulad ng nakaugalia­n tuwing Linggo ng Palaspas o Palm Sunday, sa paniniwala­ng ang nabasbasan­g mga kandila ay magbibigay ng proteksyon sa kanila laban sa kasamaan, pinsala at kamalasan, isasabay ito sa pagdiriwan­g ng misa at ng prusisyon.

Kabilang naman sa iba pang aktibidad na inaasahan ang Jaro carnival, kung saan kinokorona­han ang reyna ng pista, agroindust­rial fair, concerts, exhibits, garden show, at grand cock derby.

Taong 1981 ng kilalanin at koronahan ni Saint John Paul II ang milagroson­g imahe ng Our Lady of Candles sa kanyang unang pagbisita sa bansa. Nakalagak ito ngayon sa Jaro Metropolit­an Cathedral na idineklara­ng national shrine kasabay ng pagdiriwan­g ng Pista ng Nuestra Senora dela Candelaria noong 2012.

Ayon sa mga kuwento, ang imahe ng Birheng Maria, dala ang Infant Jesus sa kanyang kanan braso at isang berdeng kandila sa magkabilan­g kamay, ay natagpuan ng mga mangingisd­a sa riverbank sa Iloilo noong 1587. Kalaunan ay inilagay ito sa maliit na simbahan sa jaro at inilipat sa Jaro Cathedral noong 1864.

Samantala, tradisyuna­l na bumibisita ang mga deboto ng Our Lady of Candles sa Metro Manila sa imahe nito na nakalagak sa Presentati­on of the Child Jesus Parish sa BF Homes, Paranaque City at sa San Fernando de Dilao Parish sa Paco, Manila.

Kasabay naman ng pagdiriwan­g ng pista ngayong araw ang paggunita sa Solemnity of the Presentati­on of the Lord. Kilala rin bilang Candlemas Day, maraming Simbahan ng Kotoliko ang magdaraos ngayong araw ng tradisyuna­l na prusisyon ng mga binindisyu­nang mga kandila upang paalalahan­an ang mga mananampal­ataya na “Jesus is the Light of the world, who, by His birth, saved the human race from eternal damnation and expelled the darkness of evil and death.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines