Balita

Ochoa at Lopez sa 2020 Sports Summit

- Annie Abad

Magbibigay inspirasyo­n ang dalawang kilalang female national athletes na sina Meggie Ochoa at Pauline Lopez sa pamamagita­n ng kanilang pagbabahag­i ng sekreto ng tagumpay sa 2020 National Sports Summit (NSS) na gaganapin sa t Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) ngayong darating na Pebrero 27 hanggang 28.

Ang 29 -anyos na si Ochoa ay magbibigay ng inspirasyo­n kung paano niya nakamit ang tagumpay sa larangan ng sports na jiujitsu na nagwagi ng tatlong gintong medalya sa world championsh­ips isama pa ang gintong medalya buhat sa women’s -45kg class sa 30th Southeast Asian

Games nitong nakaraang taon.

Isa rin sa ibibida ni ochoa ang kanyang pagiging founder ng ‘Fight to Protect’ movement na siyang magiging proteksyon upang maiwasan ang pag-aabusio sa mga kabataan at mailayo sa sekswal na pangaabuso.

Pinanglana­n si Ochoa bilang isa sa mga ‘The 50 Greatest Filipino Athletes of All Time’ kasama ang iba pang mga Pinoy greats.

“It is a huge honor and privilege to be able to speak in such a momentous event. I do not feel worthy to speak in such an event, but given this one of a kind opportunit­y, I will make the most of it and do my best. Overall, I am just grateful.” ani Ochoa.

“Most likely I will be speaking about my journey as an athlete. The greatest lesson that sport has taught me is to never forget the reason why you do and what you do, because it will push you through the hardest times.” ayon pa kay Ochoa.

Si Lopez naman an kampeon ng taekwondo sa women’s 57kg class sa 2019 SEA Games, ang makakasama ni Ochoa upang magsalita sa nasabing Sports Summit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines