Balita

Sundalong suspek, patay din 2 ARMY OFFICIALS, NIRAPIDO

- Ni NONOY E. LACSON

ZAMBOANGA CITY – Napatay ang dalawang opisyal ng Philippine Army (PA) nang barilin ng isang lasing na sundalo sa gitna ng mainitang pagtatalo na ikinasawi rin ng huli sa loob ng isang military headquarte­rs sa Patikul, Sulu, nitong Biyernes ng gabi.

Kaagad na nasawi sa pinangyari­han ng insidente sina Army Major Rael Gabot, Executive Officer ng 9th Fire Artillery Brigade (9FAB) ng Army Artillery Regiment (AAR), at 1st Lt. Ryan Lamoste, Civil Military Officer (CMO) sa nasabi ring military unit.

Napatay din ang suspek na nakilalang si Corporal Jack Indap, nakatalaga sa 9FAB, ayon sa report.

Sa ulat ng militar, lasing umano si Indap nang maganap ang insidente sa loob ng 9FAB sa Bgy. Liang, nitong Biyernes, dakong 11:50 ng gabi.

Bago ang insidente, kinumpront­a ni Lamoste si Indap upang tanungin kung kailan niya nakita na sinuntok nito Army PrivateRal­ph Patongao, isang duty steward sa unit officers mess hall.

Nang tanungin ni Lamoste kung lasing si Indap, agad na inamin ng huli na lasing ito.

Dahil dito, iniutos ni Lamoste na tatanggali­n siya sa puwesto bilang bantay na nagresulta sa pagtatalo ng mga ito.

Nang tangkaing silang payapain ni Gabot, bigla na lamang silang binaril ni Indap.

Nang magrespond­e sa lugar si Army 2nd Lt. Clint John Cenita, binaril nito ni Indap na nagresulta sa pagkasawi nito.

Si Cenita ay hepe ng 41st Infantry Battalion (IB) sa pangangasi­wa ng 35th IB ng 11th Infantry Division (ID).

Dead on arrival sa Camp Bautista Station Hospital ang dalawang opisyal dahil sa tama ng mga bala sa kanilang katawan.

Nagsasagaw­a pa rin ng masusing imbestigas­yon ang pulisya sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines