Jennylyn, wish come true na maging si Beauty

Balita - - Front Page - Jennylyn Nora V. Calderon

NANG ganapin ang mediacon ng pinakahihi­ntay na Philippine adaptation ng Korean drama na Descendant­s of the Sun, ipinapanoo­d na ng GMA Network ang pilot episode kaya naman mixed emotions ang naramdaman ng cast dahil talaga namang parang nanonood ka ng movie, todo action ang mga unang eksena at pumasok na rin ang love angle between the Big Boss played by Dingdong Dantes at ni Dr. Maxine dela Cruz or si Beauty, played by Jennylyn Mercado. Si Jen ang nag-comment agad nang makausap after.

“Medyo emosyonal ako, first time naming napanood na buo na ang pilot episode, thank you,” sabay taas ng kamay. “Ganun pala siya ka...’di ba? Para sa akin ang ganda niya talaga. Na-appreciate ko yung puyat at pagod naming lahat, aminin po natin, hindi madali ang mga ginawa namin, lalo na si Dingdong at ang kanyang Alpha team, hindi madali ang ginawa nila, very challengin­g, ang hirap ng training nila.”

Natanong na si Jen kung alam niyang sa simula pa lamang ng casting ng serye, siya na ang gaganap bilang si Beauty?

“Hindi ko po talaga alam, totoo iyon kaya kapag may nagtatanon­g sa akin, sabi ko, hindi ako, walang sinasabi ang GMA. Ginagawa ko noon ang romantic-comedy series namin ni Gabby Concepcion na Love You Two. Ang naging hudyat po sa akin nang pinabago nila ang hairstyle ko, pinaglagay nila ako ng bangs, at alam ko nang ako si Beauty.

“Pero alam ba ninyo na winish ko ring sana ay ako ang mapili para sa DOTS. Hindi ako fan ng K-drama, pero ang daming nagsasabi na ang ganda ng “Descendant­s of the Sun.” Although una kong ginawang K-Drama ay ang Pinoy adaptation din ng My Love From The Stars. Kaya nang sabihin nilang ako nga raw gaganap na si Beauty, pinanood ko na ang original, inaral ko iyung character and sa totoo lang, maganda po talaga. Na-in love ako sa series na iyon.”

Alam ba ni Jen na silang dalawa ni Marian Rivera ang gusto ng mga netizens na gumanap ng role ni Beauty? Napag-usapan ba nila iyon ni Marian nang magkausap sila?

“Hindi po. Pero nag-message siya sa akin, kinongrats niya ako, “Congrats, Jen!”

Kahapon, sa All-Out Sundays big promotion na ng DOTS, present ang buong cast at goose-bumps nang pumasok ang Philippine Army band at mga military men, ipinakita rin kung gaano kahirap ang pinagdaana­n sa training nina Dingdong, ang

Alpha team na binubuo nina Rocco Nacino, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala at Prince Clemente.

Sa direksyon

ni Dominic

Zapata, ang world premiere ng “Descendant­s of the Sun” ay sa February 10, sa GMA Primetime Telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.