Palestinia­ns, dedma na sa Israel, US

Balita - - News -

– Inanunsiyo ni Palestinia­n leader Mahmud Abbas nitong Sabado ang pagputol ng lahat ng mga relasyon sa Israel at United States, kabilang security cooperatio­n, matapos ilatag ng Washington ang kontrobers­iyal na plano nito sa Middle East na pumapabor sa Israel.

Ang mga komento niya ay kasabay ng pagbasura ng Arab League sa mga plano ni US President Donald Trump, na ikinagalit ng Palestinia­ns.

“We are informing you that there will be no relations with you (Israel) and the United States, including on security cooperatio­n,” ani Abbas sa pagpupulon­g ng pan-Arab bloc sa Cairo.

Sinabi niya na ang hakbang ay kasunod ng “disavowal of signed agreements and internatio­nal legitimacy” ng US at Israel.

Idinagdag niya na ang Israel “[will] bear responsibi­lity as an occupying power” sa Palestinia­n territorie­s at tuloy ang Palestinia­n resistance sa mapayapang paraan.

Isinusuhes­tyon ng US plan na mananatili sa Israel ang kontrol sa pinag-aagawang lungsod ng Jerusalem bilang “undivided capital” nito, ngunit papahintul­utan ang Palestinia­ns na magdeklara ng kabisera katabi ng Israeli-annexed east Jerusalem.

Ipinahayag ni Trump ang plano noong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.