Balita

Sulit ang suporta sa weightlift­ing – PSC

- Annie Abad

Walang inaksayang sentimo ang Philippine weightlift­ing team sa

pondong inilaan sa kanila ng gobyerno sa pamamagita­n ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos na magwagi ng 3 gintong medalya at 3 bronze sa Roma 2020 Weightlift­ing World Cup na ginanap sa Pala Pellicone sa Rome, Italy.

Kabuuang P4 milllion ang pondo na inilaan ng nasabing ahensiya sa preparasyo­n at paghahanda ng nasabing koponan sa pagsabak sa naturang kompetisyo­n.

Naglaan ang PSC ng P2.2 million budget para sa kanilang pamasahe sa eroplano, sa tirahan, allowance at iba pang kaugnay na gastos ng pitong atleta at 4 na opisyales na sumabak sa nasabing kompetisyo­n sa Roma.

Ito ay bukod pa sa P1.7 million budget ng Olympian na si Hidilyn Diaz at ang kanyang "Team Hidilyn" na nangangalg­a sa kanyangpag­sasanay.

“This is an Olympic qualifying tournament for our national weightlift­ers. Walang dahilan para hindi natin sila bigyan ng full support,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.

Bukod sa tagumpay ni Diaz na siyang nagwagi ng tatlong gintong medalya buhat sa nasabing kompetisyo­n, nagwagi din ang isa pang pambato ng Zamboanga na si Kristel Macrohon na nag-ambag ng 2 bronze medals sa women’s 71kg class na buhat sa clean and jerk (115kg) at sa kabuuang puntos na 209kg.

Si Macrohon, ay isa ding gold medalist sa 2019 Philippine­s Southeast Asian Games.

"Nanghihina­yang po ako kasi sa SEA games po 123kg na po yung binuhat ko sa clean and jerk, ngayon po bumaba pa. Pero thankful pa rin po ako dahil umabot po ako sa podium.” ani Macrohon.

Ayon sa kanya, malaking inspirasyo­n para sa kanya ang kanyang kapuwa Zaboangena na si Diaz lalo na ang tulong at suporta na ibinibigay ng PSC sa kagaya niyang mga atleta.

“Nagbibigay po talaga sa akin ng motivation yung mga teammates ko po. Yung hirap at sakripisyo naming lahat sa training. At higit sa lahat, iniisip ko po na para ito sa bayan. Iyun po ang nagbibigay ng lakas na loob po sa akin. Thank you din po sa PSC sa walang sawang pagsuporta po sa amin. Kayo po ang susi ng tagumpay ko,” ani Macrohon.

Ang iba pang Filipino lifter na nagbigay ng medalya ay si John Febuar Ceniza na nagwagi ng bronze medal sa men’s 61kg division.

Matapos ang nasabing kompetisyo­n sa Roma World Cup ay sunod na sasabak sa 2020 IWF Asian Championsh­ips sa Kazakhstan ang koponan na siyang magsisilbi­ng huling hirit nila para sa tiket sa nalalapit na Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines