Balita

PLANONG ‘SARILING BAHAY’ PARA SA PBA POSIBLE PA RIN MANGYARI – VARGAS

- Ni TITO TALAO

ROME — Ang matagal nang plano na magkapagpa­tayo ng sariling venue ang Philippine Basketball Associatio­n (PBA) ang patuloy na naglalaro sa isip ni Chairman Ricky Vargas, bagama't alam niya na malaking halaga ang kakailanga­n upang maipatupad ito.

Ito ang paksa na muling binuksan ng governor ng TNT KaTropa na si Vargas sa ginaganap na PBA board’s program and planning session sa Rosa Grand Hotel sa Milan nitong nakaraang Huwebes.

Nauna dito, isang search committee ang binuo noong maga nakaraang taon upang matukoy kung saan ang tamang lugar at lokasyon na pwedeng bilhin o upahan upang maipatayo ang nasabing " sariling bahay" ng PBA.

“Sixty million pesos for venue rental alone, that’s the problem,” ani Vargas "Maybe it’s really about time we build our own coliseum.” ayon pa PBA chairman.

Gayunman, nilinaw ni Vargas na hindi niya plano na ipatupad ang nasabing proyekto, bagama't bukas ang siya sa mga ideya ukol dito.

“The problem is the property,” aniya “If we can find someone who will donate a lot… the constructi­on naman kasi can be loaned from the banks.”

Sinabi din ni Vargas na sa ngayon ay may P620 million revenue ang PBA, kung saan tumaas ng 33 percent sa ika45th season buhat sa pagangat ng broadcast rights fees, sponsorshi­ps buhat sa Excite, ang haligi ng marketing ng liga, ang TV 5 at ang 12 koponan kasama na ang kinita nito buhat sa digital at sa social media.

Target din ngayon ang Internatio­nal TV rights para sa liga na na kasalukuya­ng inaasikaso ni PBA commission­er Willie Marcial at ng kanyang mga tauhan para sa mga karagdagan­g kita.

“The PBA is in good financial health, and we’re looking to another fruitful season. If we do this right, 2020 will be a good year,” ayon pa kay Vargas na nagsabi na kabilang ang mga laro sa labas ng bansa gaya ng Dubai, Riyadh at United States.

Katatalaga lamang ni

Marcial bilang commission­er at naragdagan ng tatlong taon pa ang kanyang termino hanggang 2023.

Ayon pa sa 10th commission­er ng liga na si Marcial na ang paunang labanan para sa 45th season nito sa Marso 1 ay magaganap sa pagitan ng San Miguel Beer, ang reigning 5-time Philippine Cup champion, at sa Magnolia Hotshots na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Tampok sa nasabing labanan ang pagbibigay ng parangal na Leo Awards, kung saan malalaman kung sino kina June Mar Fajardo ng SMB , pambato ng NorthPort na si Christian Standhardi­nger , Jayson Castro ng TNT at Columbian Dyip rookie na si CJ Perez ang makakakuha ng tropeo.

Magbibigay pugay din ang liga para sa nasawing Los Angeles Lakers star na si Kobe Bryant sa opening ceremonies, bilang pag-alala sa namayapang basketball superstar na madalas na bisita ng bansa at ngPBA.

“Kobe has touched and inspired each one of us,” ani Vargas.

 ??  ?? Sina PBA chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa, sa gitna na siyang nanguna sa post-board meeting press conference kasama sina Silliman Sy (Blackwater), Bobby Rosales (Columbian Dyip), PBA commission­er Willie Marcial at Al Panlilio (Meralco). Larawan: (TST)
Sina PBA chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa, sa gitna na siyang nanguna sa post-board meeting press conference kasama sina Silliman Sy (Blackwater), Bobby Rosales (Columbian Dyip), PBA commission­er Willie Marcial at Al Panlilio (Meralco). Larawan: (TST)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines