Dalawa laglag sa buy-bust

Balita - - News - Light A. Nolasco

Dalawa umanong hinihinala­ng tulak sa ipinagbaba­wal na gamot ang dinakma ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Talavera MPS at PDEA-2 team sa magkahiwal­ay na barangay ng Talavera, Nueva Ecija, kamakailan.

Kinilala ni PMSgt. Marvin Verde, may hawak ng kaso, ang mga naaresto sa buy-bust operation sa Bgy. Collado at Brgy. Gulod na sina Raymart Felipe, 26, magsasaka; at si Philip Rigor, 47, magsasaka ng

Bgy. Collado.

Nasamsam kay Felipe ang siyam na pakete ng umano'y shabu, P1,000 marked-money, habang nakuhanan naman si Rigor ng anim na maliliit na plastic sachet ng shabu at P1,000 marked-money matapos makipagtra­nsaksyon sa isa umanong police poseur buyer.

Nahaharap ngayon ang dalawang tulak sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Acr of 2002 habang nakapiit sa Talavera MPS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.