1patay, 6 sugatan sa banggaan ng bus at tricycle

Balita - - News - Fer Taboy

Patay ang isang pasahero ng tricycle habang nasugatan ang anim na iba pa sa banggaan ng pampasaher­ong bus at tricycle sa Nagcuartel­an, Aritao, Nueva Vizcaya, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon kay Police Master Sgt. Dennis Estrada, imbestigad­or ng Aritao Municipal Police Station(AMPS) nakilala ang namatay na biktima na si Jen Gallardo, habang nasugatan ang 6 na iba pa kabilang ang dalawang bata na nasa kritikal na kondisyon, pawang residente ng bayan ng Aritao.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Marie Liza Garcia, Marlyn Castillo, Delia Balgos, at ang tricycle driver na si Rolando Abenojar.

Iniimbesti­gahan naman ng pulisya ang driver ng Florida Bus na si Guilbert Taguba, 59, residente ng Gattaran, Cagayan.

Sa imbestigas­yon, binabaybay umano ng tricycle ang kahabaan ng Nagcuartel­annang nag-overtake umano ang isang closed van. Nagpreno umano ang van kaya umiwas ang sumusunod na tricycle at napunta sa kabilang linya ngunit eksaktong paparating ang bus dahilan ng pagkakaban­gga.

Sa lakas ng salpukan ay nahulog ang mga nakasakay sa likuran ng tricycle driver at naipit naman ang mga sakay sa loob na nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mga pasahero ng tricycle.

Patay na ang biktima ng isugod sa ospital kabilang ang anim na sugatan na dalawang malubhang na sugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.