NCT Dream sa Feb. 29 na ang Manila concert

Balita - - Showbiz - Ni JONATHAN HICAP

NAKATAKDAN­G idaos sa bansa ng sixmember K-pop idol group NCT Dream ang kanilang first group concert sa Manila ngayong buwan.

Ang boy band, na binubuo ng mga miyembro nitong sina Haechan, Renjun, Jeno, Chen Le,

Jisung, at Jaemin, will meet their Pinoy fans sa NCT Dream Tour The Dream Show sa Feb. 29 sa New Frontier Theater.

Ito ang unang group concert ng NCT Dream mula nang mag-debut sila noong August 2016. Last year ini-launch ng grupo ang kanilang tour sa Seoul.

Sa ginanap na 29th Seoul Music Awards nitong Jan. 30 sa Seoul, nakuha ng NCT Dream ang bonsang, dagdag sa listahan ng kanilang mga awards and achievemen­ts kabilang ang isa pang bonsang sa 2020 Golden Disc Awards at Hot Performanc­e of the Year sa 2020

Gaon Chart Music Awards.

Samantala, ito ang ikalawang beses na pagbisita sa bansa ng grupo na unang bumisita noong 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila, March last year.

Nagsimula na nitong Linggo (Feb. 2) ang bentahan ng ticket sa

TicketNet outlets nationwide at online. Presented ang NCT Dream Tour The Dream Show sa Manila ng SM Entertainm­ent, Dream Maker Entertainm­ent at Pulp Live World.

NCT Dream

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.