“Twinning” sa PBA

Balita - - Sports - Marivic Awitan

Kumpleto na ang ikaapat na pares ng kambal na maglalaro sa PBA sa darating na Philippine Cup matapos palagdain si Jayvee Marcelino ng isang conference na kontrata ng Phoenix Pulse.

Dahil dito, makakalaro na sya sa pro ranks kasama ng kakambal nyang si Jaycee na nauna ng nakapirma ng dalawang taong kontrata sa Alaska na syang pumili sa kanya sa second round ng nakaraang 2019 PBA Rookie Draft.

Kinuha si Jayvee sa fourth round noong nakalipas na draft ng NLEX ngunit hindi sya nabigyan ng kontrata kung kaya nag tryout sya sa Phoenix.

Ang Olongapo twins na produkto ng Lyceum ay ang pang-apat na kambal na maglalaro sa PBA kasunod nina Jing at Noli Aldanese, Joel at Noel Guzman, at Anthony at David Semerad.

Ngunit malaking hamon ang kakaharapi­n ni Jayvee upang tumagal sya at madugtunga­n ang nasabing one conference contract sa Phoenix.

Kailangan nyang makipagsab­ayan o kung hindi man ay patunayan ang

kanyang kakayahan kontra sa mga beteranong guards ng koponan na kinabibila­ngan nina Alex Mallari, RJ Jazul, RR Garcia at mga bagong lipat na sina Brian Heruela at Sol Mercado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.