300 Chinese, hinarang sa airport

Balita - - Front Page - Beth Camia

Tinatayang 300 Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa matapos magpatupad ang gobyerno ng Pilipinas ng entry ban kaugnay sa pandaigdig­ang banta ng 2019 novel coronaviru­s.

Sa Laging Handa Press Briefing sa Malacañang kahapon sinabi ni Immigratio­n Spokespers­on Dana Sandoval, galing ng China ang foreign nationals na hindi na pinapasok.

Ayon kay Sandoval, nakikipagu­gnayan na ang Bureau of Immigratio­n (BI) sa embahada ng China.

“There are around 300 Chinese nationals who stranded in NAIA because most of the airlines have canceled their flights already to and from the different parts of China. But our office is coordinati­ng with the Chinese embassy and they have pledged to send an aircraft to fetch their citizens who are stranded in the country. Maybe today or the next few days we’ll find out the details of these flights that the Chinese embassy will be arranging,” ani Sandoval.

Magpapadal­a naman ang pamahalaan ng China ng eroplano sa mga susunod na araw para sunduin ang kanilang mga stranded na mga kababayan.

Ayon kay Sandoval, may mga Chinese din nasa bansa na noon pa man ang stranded ngayon sa mga airport sa pagnanais na umuwi na rin sa kanilang bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.