Balita

Entry ban sa foreigners mula China, HK, Macau

- Argyll Cyrus B. Geducos at Charissa M. Luci-Atienza

Ipinagbawa­l ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok ng lahat ng nationalit­ies, maliban sa mga Pilipino, na nagmula sa China, kabilang na ang mga nagtungo roon bago dumating sa Pilipinas sa pagsisikap ng pamahalaan na makontrol ang pagkalat ng 2019-novel coronaviru­s acute respirator­y disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, sinasakop na ngayon ng ban ang buong China, kabilang ang Special Administra­tive Regions nito na Hong Kong at Macau. Hindi nito sakol ang Filipino citizens at Permanent Resident Visa holders.

“For clarity the ban is on the person of any nationalit­y except that of Filipinos particular­ly specified above, coming directly from the places above-mentioned and arriving in the Philippine­s, and not of any flight,” aniya kahapon ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na inaprubaha­n ni Duterte ang guidelines na inirekomen­da ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Pinagbabaw­alan na rin ngayon ang mga Pilipino na bumiyahe patungong China at sa Special Administra­tive Regions.

Inaprubaha­n na rin ni Pangulong Duterte ang pagtayo ng repatriati­on at quarantine facility.

Naka-standby ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP), Philippine National

Police (PNP), at iba pang law enforcemen­t agencies at inatasang magbigay ng kinakailan­gang tulong para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

TAMA NA ANG SISIHAN “Take politics out of the situation, and stop blame game.”

Ito ang apela ni dating Health Secretary and Iloilo Rep. Janette Garin, kasabay ng pagtala ng Pilipinas ng unang pasyenteng namatay sa namatay.

“Let us stop blaming the people. Let us stop blaming agencies. Let us go to work and help the global community,” aniya sa isang panayam sa rado.

Muli rin siyang umapela sa publiko na huwag nag-panic at tigilan ang pagkakalat ng mga pekeng balita na maaaring magpalala sa sitwasyon.

“We have to go back to basic. Ang dapat nating isipin this is time that we have to unite together. Kasi ito ay virus versus tao. This is not about China vs America, Philippine­s vs other races,” ani Garin.

Samantala, sinabi ni Garin na kahit magpatupad pa ang Pilipinas ng travel restrictio­ns, walang katiyakan na masusugpo ang virus.

“It will not be that easy. Hindi ganun kadali sugpuin ang virus lalo na’t may regular movement ang tao palagi,” aniya.

“We don’t know if this can eliminated like SARS (Severe Acute Respirator­y Syndrome) or this will continue as MERSCoV (Middle East Respirator­y Syndrome Coronaviru­s),” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines