Balita

UNANG NAMATAY SA VIRUS

44-anyos na lalaking Chinese galing Wuhan City, China

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) ang unang pasyente ng novel coronaviru­s na namatay sa bansa.

Ito na ang ikalawang kaso ng nCoV infection na naitala ng DOH sa Pilipinas, at ayon sa World Health Organizati­on (WHO) ay ang unang pasyente sa labas ng China, ang ground zero ng epidemya, na namatay sa naturang sakit.

“This is the first reported death outside China. However, we need to take into mind that this is not a locally acquired case. This patient came from the epicenter of the outbreak--Wuhan, China, where there have been a very large number of cases,” sinabi ni Rabindra Abeyasingh­e, WHO representa­tive to the Philippine­s, sa mga mamamahaya­g sa Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang naturang pasyente, ay isang 44taong gulang na lalaking Chinese national mula Wuhan City, China at kasintahan ng 38-anyos na babaeng Chinese unang kumpirmado­ng kaso ng nCoV sa bansa.

Dumating ang magkasinta­han sa Pilipinas noong Enero 21, 2020, via Hong Kong at kaagad na bumiyahe sa Dumaguete at Cebu.

Tulad ng babaeng pasyente, Enero 25 rin nang magkaroon ng lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan ang lalaki at kaagad na ipinasok sa San Lazaro Hospital dahil sa sakit na pneumonia.

Noong mga unang araw umano sa pagamutan ng namatay na nCoV patient ay mayos ang kondisyon nito at nakitaan nang paggaling. Gayunman, nagkaroon siya ng severe pneumonia dahil sa viral at bacterial infection at namatay nitong Sabado, Pebrero 1.

Samantala, ang babaeng Chinese ay patuloy na inoobserba­han. Naunang sinabi ng DOH na siya asymptomat­ic o hindi nakitaan ng mga sintomas ng virus.

“We are currently working with the Chinese Embassy to ensure the dignified management of the remains according to national and internatio­nal standards to contain the disease,” pahayag naman ni Duque.

Nilinaw rin ni Duque na ang 29-anyos na lalaking Chinese na namatay kamakailan sa pneumonia sa San Lazaro Hospital ay negatibo sa 2019-nCoV ARD. Naunang iniulat na ang lalaki ay nagpositib­o sa human immunodefi­ciency virus (HIV).

Tiniyak ni Duque na lahat ng kinakailan­gang pamamaraan ay kanilang isinasagaw­a upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Nagpatupad na ang San Lazaro Hospital ng mahigpit na infection control protocols habang inaalagaan ang mga pasyente.

Patuloy rin contact tracing ng Epidemiolo­gy Bureau (EB) sa mga taong nagkaroon ng closed contact sa mga pasyenteng nagpositib­o sa sakit.

“Contact tracing activities are ongoing in Cebu and Dumaguete, and in other places where the patients stayed and traveled to,” pahayag ng DOH.

Samantala, iniulat rin ng DOH at ng

Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na hanggang 12:00 ng tanghali ng Pebrero 1, 2020, nakapagtal­a pa sila ng limang karagdagan­g Person Under Investigat­ion (PUIs) sa virus, kaya’t umakyat na sa 36 ang kabuuang bilang nito sa bansa.

Sa naturang bilang, kabilang na ang magkasinta­hang Chinese na nagpositib­o sa karamdaman; 24 ang nagnegatib­o na sa nCoV ngunit isolated at naka-confine pa rin sa pagamutan, 10 ang pinalabas na ng ospital ngunit isinasaila­lim pa rin sa istriktong monitoring, habang isang PUI ang namatay, ngunit nakumpirma ng DOH na hindi nCoV ang sanhi ng pagkamatay nito dahil positibo ito sa pneumonia na kumplikasy­on ng taglay niyang HIV. May apat pang PUIs ang kasalukuya­ng sinusuri ng RITM.

Inamin ni Duque na “this health event is fast-evolving and fluid. We are continuous­ly recalibrat­ing our plans and efforts as the situation develops.”

“So all I ask from the public now is to heed the advisories from official DOH channels and to refrain from sharing unverified and unvalidate­d informatio­n. I assure the public that we will keep you abreast of any informatio­n that we have,” panawagan niya.

Iniulat rin ng DOH na hanggang sa kasalukuya­n ay wala pa ring ulat na may nagaganap na pagkalat ng virus sa mga komunidad sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines