Bebot, niratrat todas

Balita - - Front Page - Mary Ann Santiago

Patay ang isang bebot nang pagbabaril­in ng hindi nakikilala­ng salarin habang nasa harapan ng isang convenienc­e store sa Angono, Rizal, nitong Linggo ng gabi.

Naisugod pa sa Angono General Hospital ang biktimang si Evelyn Loberanes, nasa hustong gulang, gayunman, dead on arrival na na ito dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inireport ng Angono Municipal

Police Station, kasalukuya­ng nasa harapan ang biktima ng isang kilalang convenienc­e store sa M.L. Quezon Extension sa Barangay Mahabang Parang, nang bigla na lang pagbabaril­in ng suspek.

Kaagad na tumakas ang salarin patungo sa direksiyon ng Antipolo City.

Iniimbesti­gahan na ng mga awtoridad ang krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.