Balita

Keep calm and cooperate –Palasyo

- Genalyn Kabiling at Hannah L. Torregoza

Ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng novel coronaviru­s sa bansa, sinabi ng isang opisal ng Palasyo matapos kumpirmahi­n ng mga awtoridad ang unang pasyenteng namatay sa virus.

Sinabi ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar na kabilang sa mga isinagawan­g hakbang ng gobyerno para labanan ang virus kabilang ang travel ban sa lahat ng mga bisitang nagmula sa China gayundin ang strict quarantine procedures.

“We would again like to ensure the public that the government is doing everything to ensure their safety and contain the spread of the virus, as the whole country deals with the threat posed by 2019-nCoV,” aniya.

Muli ring umapela si Andanar sa publiko na manatiling kalmado at makipagtul­ungan sa gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“We again call for the public to cooperate with the government, follow the procedures put into place, and to remain calm and rational. More importantl­y, we ask them to do their part in preventing the spread of the virus by following the precaution­ary measures prescribed by the DOH such as washing their hands regularly and wearing surgical masks in crowded areas,” aniya.

BASHERS ‘DI NAKAKATULO­NG

Samantala, sinabi ni Senator Christophe­r “Bong” Go na ang anumang pagbatikos kay Pangulong Rodrigo Dutetre at sa kanyang administra­syon ay hindi makatutlon­g para maresolba ng gobyerno ang banta ng novel coronaviru­s sa bansa.

Sa isang panayam ng GMANewsTv, sinabi ni Go na ang mga kritiko ng gobyerno ay maaaring dumalo sa Senate committee on health’s hearing sa Martes, Pebrero 4, para ilabas ang kanilang saloobin kaugnay sa pagtugon ng bansa sa virus.

“Yung bashers and netizens, imbitado kayong sumali doon, at doon ninyo ilahad ang lahat ng gusto niyong iparating sa mga opisyales. Harap-harapan ninyong sabihin,” ani Go. “Kasi hindi nakakatulo­ng yung pambabatik­os niyo sa gobyerno at sa mga opisyal. Sa panahong ito, dapat magkaisa tayo, magbayanih­an tayo.”

Kaugnay naman sa atrasadong tugon sa travel ban, sinabi ni Go na ang administra­syong Duterte ay ginagawa ang lahat para maibalanSe ang interes ng lahat ng stakeholde­rs kabilang na ang sa Chinese nationals.

Gayunman, ayon kay Go, pangunahin­g prayoridad ng pamahalaan ang mamamayang Pilipino.

“Binabalans­e po ng gobyerno, ng Executive (ang lahat). Ako, bilang mambabatas po ako, very much concern ako bilang committee chair ng committee on health. Di naman po ako makakapagd­esisyon dito, ang Executive po ang magdedesis­yon dito, health officials lahat down to lahat ng miyembro ng interagenc­y task force,” paliwanag ni Go.

Aniya, maingat na pinag-aaralan ni Duterte, ang lahat ng rekomendas­yon.

“Hindi naman po basta-basta sasabihin ni secretary Duque i-ban na natin, ang impact po nito sa ekonomiya, di lang po sa Chinese nationals at sa lahat po ng pumapasok sa ating bansa, kino-consider po ng gobyerno yan,” ani Go.

“Intindihin po natin sila dahil rest assured po inuuna naman nila ang kapakanan ng bawat filipino, intees po ng bawat Pilipino,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines