Balita

Ronnie, ayaw munang ‘i-share’ si Loisa

- Ni REGGEE BONOAN

BLOCKBUSTE­R ang pelikulang Vince Kath & James nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia na entry ng Star Cinema noong 2016 Metro Manila Film Festival na idinirek ni Theodore Boborol.

Pagkalipas nang apat na taon ay may sequel na ito, ang James & Pat & Dave sa pangunguna nina Ronnie, Donny Pangilinan at Loisa Andalio at si Theodore ulit ang magdidirek sa parehong movie outfit.

Paano itinuloy ni direk Theodore ang kuwento ng bago niyang bida, “nu’ng napanood namin ang Vince Kath & James, may isang ideya na tumatak sa akin, ‘di ba pag rom-com may isang hindi napipili? So, anong nangyari sa hindi napili sa love story nila? Wala ba silang happily ever after? Kaya para sa akin, napaka-relatable sa lahat at one point in our lives, may time na hindi tayo napili, so nangangara­p tayo na mayroon din tayong own love story na happy ever after ending kaya doon nabuo ‘yung konsepto ng James & Pat & Dave. storya ito ng mga taong hindi napili.”

At isa si Ronnie sa naka-relate dahil na-experience niyang hindi mapili sa high school love niya na niligawan niya ng anim na buwan at ibinigay niya ang lahat, ipinakilal­a sa pamilya at nakilala rin niya ang pamilya niya, nu’ng time na manliligaw na, “meron na siyang iba! ‘Yun ganu’n kasakit. Move-on ako sa tulong ng pamilya at mga kaibigan at saka bata pa rin naman ako that time.”

Si Loisa rin pala ay naranasan din ito, “sa akin hindi ako napili. Pero okay kami no’n tapos maraming nangyaring gulo, kaya dumating ‘yung time na hindi niya ako pinili, masakit kasi iisipin mo anong wala sa akin (na meron sa iba). Inisip ko na kaya siguro hindi ako pinili kasi may better na ibibigay sa atin si Lord.”

Kinikilig naman ang boyfriend ni Loisa na si Ronnie nang sabihin ng dalagang,’may better na ibibigay sa atin si Lord’ kaya tawanan ang supporters nilang nasa loob ng Dolphy Theater.

Hindi rin nagpahuli si Donny dahil nu’ng high school din niya ay may gusto rin siyang babae pero may boyfriend na.

“Mayroon na siyang iba kaya hindi ko na puwedeng i-pursue pero naging close kami, parang na-late lang ako,” sabi ni Donny.

Say naman ni Awra, “ako naman ang laging pinipili, ako lang ‘yung hindi pumipili kasi bata pa ako, 15 years old lang ako, siguro soon.”

Samantala, ikinuwento ni Donny na sobrang bait nina Ronnie at Loisa dahil hindi ipinaramda­m sa kanya na iba siya.

“24/7 akong thirdwheel sa kanila kasi lock out kami sa beach, so sa lahat ng araw na nandoon kami nag-bonding kami and I really saw how profession­al they are, sobrang sweet din nilang dalawa, sobrang sweet. Sinu-support nila ang isa’t isa sa mga scene,” kuwento ni Donny.

Sa ilang taon sa showbiz nina Ronnie at Loisa ay ngayon lang sila nagkaroon ng sariling pelikula.

“Siyempre ang tagal naming hinintay ito, sobrang na-excite kami, 2020 panibagong pinto, panibagong buhay so nu’ng ibinigay sa amin ito, sabi namin’ beh galingan natin, ipakita nating na karapat-dapat tayo,” saad ni Ronnie.

Dagdag naman ni Loisa, “totoo po, sobrang saya po namin ni Ronnie kasi nabigyan kami ng ganitong kalaking opportunit­y, nagsimula kami ni Ronnie naging kami agad, eh hindi pa kami magka-loveteam kanya-kanya palang kami noon tapos may fans na sumusuport­a sa aming dalawa kaya ngayong nandito na mayroon kaming pelikula ipalalabas, kaya sarap sa puso na napansin po kami, parang ang tagal po naming ito hinintay. Ang tagal kop o itong hinintay, pangarap kop o itong nu’ng bata ako na mapanood ko ang sarili ko sa malaking sinehan at sobrang excited ako at sigurado ako na ganu’n din ‘yung pamilya ko sa akin at para sa aming dalawa (Ronnie).”

Natanong ang LoiNie kung ano ang bagong ipapakita nila sa James & Pat & Dave bilang loveteam at paano sila maiiba sa KathNiel, LizQuen, JoshLia (noong hindi pa hiwalay) at JaDine (noong hindi pa nila inaming hiwalay na sila).

“Sa totoo lang po totoo kami. Kami po ‘yung maglovetea­m na totoong mag-dyowa. Siguro po ‘yung pagiging totoo, pagiging kalog walang halong harang, lahat out kami at hindi namin itinatago kung anong meron kami. Kung trabaho-trabaho talaga,” katwiran ni Ronnie.

Ayon naman kay Loisa, “ang pinagkaiba namin sa ibang loveteam, siguro kami ‘yung first time na nagkaroon ng pelikula kasi ‘yung ibang loveteam ang dami na nilang nagawang pelikula at mas marami silang projects. Nagsisimul­a palang po ‘yung loveteam namin dahil dito sa James & Pat & Dave.

Hirit pa ni Ronnie, “yung loveteams kasi noon, hindi pa naman sila (magkarelas­yon) noong nagsama sila sa work, so iyon ang pagkakaiba namin, ngayong magkasama kami sa work, kami na talaga.”

Sa ibang loveteams ay sa trabaho nagkaka-developan pero ang LoiNie ay sa guesting ni Loisa siya unang nakita ni Ronnie at hindi na nawaglit sa isipan niya.

Kaya naman humihirit pa si Ronnie sa Star Cinema, “sana po Star Cinema huwag ninyo po muna kaming ipartner sa iba. Sana po hayaan ninyong si Loisa muna ang partner ko sa mga next movie ko.”

Anyway, sakto sa Araw ng mga Puso ang showing ng James & Pat & Dave sa Pebrero 12 mula sa Star Cinema.

 ??  ??
 ??  ?? Loisa at Ronnie
Loisa at Ronnie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines