Rider sinita sa traffic violations, arestado sa marijuana

Balita - - News - Bella Gamotea

Sa kulungan ang bagsak ng isang motorcycle rider nang masita sa pagmamaneh­o na walang suot na helmet at nahulihan ng marijuana sa Oplan Sita ng mga awtoridad sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa custodial facility ng Makati City Police ang suspek na si Reiniel Montana, 21 taon gulang, binata, at naniniraha­n sa E-Caton Street, Barangay Lapaz sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Cpl Silvestre P. de Luna, may hawak ng kaso, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-2) sa panulukan ng Archimedez at Dumas Sts., Bgy. Lapaz sa Makati City, dakong 10:00 ng gabi.

Sa gitna ng operasyon, namataaan nina Cpl Joseph Tingcawa at Cpl Mark Nathaniel Deompoc, ang suspek na nagmamaneh­o ng motorsiklo na walang suot na helmet kaya nila ito sinita. Nabigo si Montana na magpakita ng driver’s license kaya hiningan na lamang siya ng anumang ID subalit nang kunin niya ang kanyang wallet sa bulsa, aksidenten­g nalaglag ang isang pakete ng marijuana dahilan ng kanyang agarang pagkakaare­sto.

Nang suriin ang wallet ng suspek, narekober dito ang isa pang pakete ng marijuana at isang glass pipe tube.

Ayon sa report nasa 4.8 gramo ang marijuana na nagkakahal­aga ng P1,000.

Itinurnove­r na ang mga nahuling ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek sa Makati Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.