Balita

DOH: ‘Di pa kailangan ng face mask

- Genalyn D. Kabiling

Hindi pa oras para obligahin ang lahat ng Pilipino na magsuot ng face masks sa kabila ng pagpasok ng banta ng novel coronaviru­s sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ipinaliwan­ag ni Duque na ang ganitong protective masks ay inirerekom­enda para sa mga taong may ubo, sipon, at lagnat para maiwasan ang pagpasa ng infection sa iba gayundin sa health workers na direktang tumutugon sa mga pasyente.

“Hindi tama iyon, hindi kailangan,” sinabi ni Duque sa radyo ng gobyerno nitong Biyerenes, nang tanungin ni Presidenti­al Communicat­ions

Secretary Martin Andanar kung kailangan na ng lahat ng mga Pilipino na magsuot ng face masks sa gitna ng panganib ng 2019 novel coronaviru­s acute respirator­y disease (2019 nCoV ARD).

“Kahit na wala pa iyong novel coronaviru­s pero mayroon kang sipon, lagnat, ubo eh mas maganda magsuot ka ng mask para hindi ka makahawa. Again, hindi lang ito patungkol sa novel coronaviru­s, kung hindi pati sa mga ibang mga mikrobyo o ibang virus at bacteria. So hindi naman tama iyon, lahat pagsusuoti­n ng mask,” aniya.

Pinanindig­an ni Duque na dapat bigyang prayoridad sa pagsususot ng mask ang healthcare workers upang hindi sila mahawa sa saki. Ang mga empleyado sa kanilang mga opisina ay hidni na kailangang magsuot ng masks maliban kung mayroon silang flu-like symtoms, dagdag niya.

“At ang mga priority diyan, iyong mga ating mangangala­ga sa mga ospital – iyong mga doktor, iyong mga nurses, medtechs, midwives – iyan ang dapat pina-prioritize natin kasi sila ang haharap mismo doon sa mga may sakit,” aniya.

“Dahil wala naman tayo sa ospital, naglalakad tayo sa mga opisina natin, walang dapat ipangamba,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines