Balita

Republican­s dedepensa

-

– Handa ang Republican­s na depensahan ang kanilang inaasahang pag-aabsuwelto kay President Donald Trump, sa TV talk shows nitong Linggo, matapos ibasura nila sa Senate vote ang testimnony­a ng saksi sa impeachmen­t trial na umani ng mga batikos ng pagtatakip at pagtalikod sa kanilang mga tungkulin.

Lumala ang mga batikos nitong Sabado nang gabi matapos iulat ng US media na binanggit ng US officials ang presidenti­al privilege sa pag-alis sa ilang salita sa 24 emails na may kaugnay sa pagpigil ni Trump sa military assistance sa Ukraine, ang isyu sa sentro ng kanyang impeachmen­t trial para sa abuse of power at obstructio­n of Congress.

Sinabi ni Republican Senator Lamar Alexander ng Tennessee, itinuturin­g na posibleng swing vote sa mga saksi, na hindi na kailangan ng mga dagdag na ebidensiya.

‘’If you have eight witnesses who say someone left the scene of an accident, why do you need nine?,’’ aniya sa NBC sa panayam na inilabas nitong Linggo.

Inakusahan ni Nancy Pelosi, Democratic speaker ng House of Representa­tives, na nagimpeach kay Trump noong Disyembre 18, ang Republican­s na ‘’accomplice­s to the president’s

cover-up.’’

Sinabi ni Republican Senate Majority Leader Mitch McConnell, kilalang kaalyado ni Trump, na ang House prosecutor­s ay nakapagpre­sinta na ng sapat na ebidensiya para sa kanilang kaso at hindi na kailangan ang mga dagdag na saksi.

Ayon kay McConnell, babalik ang Senate bilang court of impeachmen­t sa Lunes para dinggin ang final arguments, bago ang botohan sa Miyerkules sa dalawang articles of impeachmen­t na ipinasa noong nakaraang buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines