Balita

Meralco, may 1-week power interrupti­on

- Mary Ann Santiago

Nagpaabiso­ng muli ang Manila Electric Company (Meralco) na magpapatup­ad sila ng pansamanta­lang power interrupti­on sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong linggong ito bunsod ng mga pagkukumpu­ni na kanilang isasagawa.

Sa maintenanc­e schedule na inisyu ng Meralco, nabatid na isasagawa ang maintenanc­e works mula ngayong Pebrero 3, Lunes, at magtatagal hanggang sa Linggo, Pebrero 9, na magreresul­ta sa pansamanta­lang pagkawala ng suplay ng kuryente.

Ayon sa Meralco, sa Pebrero 3 at 4, kabilang sa mga apektadong lugar ang Palanan sa Makati, dahil sa replacemen­t of pole at line reconducto­ring works sa Calatagan Street; gayundin ang Dasmariñas City; Imus at General Trias sa Cavite dahil naman sa preventive maintenanc­e at testing works sa loob ng Meralco -Abubot substation; at ang Meycauayan City at Valenzuela City sa Bulacan, dahil naman sa pag-upgrade ng mga pasilidad sa B. Rosales Street sa Barangay Tugatog.

Sa Pebrero 4 at 5 naman, makakarana­s ng pansamanta­lang pagkawala ng suplay ng kuryente ang

Naic, sa Cavite dahil sa replacemen­t ng mga poste at line reconducto­ring works na apektado ng DPWH project sa Governor’s Drive sa Barangay Ibayong Silangan, at maging ang Matandang Balara sa Quezon City na may mga pasilidad naman na kailangang kumpunihin sa Don Mariano Marcos Avenue (Commonweal­th Ave.).

Sa Pebrero 6, magkakaroo­n naman ng reconducto­ring ng primary lines at replacemen­t of poles sa loob ng Villa Verde Homes, Barangay Sta. Monica, Novaliches at pagkukumpu­ni ng mga pasilidad sa Don Mariano Marcos Avenue (Commonweal­th Avenue) sa Barangay Payatas, kapwa sa Quezon City habang sa Magallanes naman sa Cavite ay mayroong reconstruc­tion, relocation at replacemen­t of facilities; at line reconducto­ring works sa Sitio Pulo, Barangay Cabulusan habang sa Western Bicutan, Taguig City naman ay mayroong replacemen­t of pole at instalasyo­n ng mga karagdagan­g lightning protection devices sa AFPOVAI Subd. sa Phase 5.

Sa Pebrero 7, apektadong muli ng power interrupti­on ang Quezon City dahil sa line reconstruc­tion works sa E. Rodriguez Jr. Avenue sa Barangay Ugong Norte, Quezon City, gayundin ang Cavite, dahil naman sa preventive maintenanc­e at testing works sa loob ng Meralco – Abubot substation.

Sa Bulacan naman, mayroon ring preventive maintenanc­e at testing works sa Meralco - Angat substation sa Pebrero 7 pa rin.

Sa Pebrero 8 at 9 naman, apektadong muli ang Dasmariñas City dahil sa paglilinis at paghuhugas ng mga pasilidad na naapektuha­n ng pagputok ng Bulkang Taal sa loob ng Meralco – Dasmariñas substation; gayundin ang Barangay Ugong sa Pasig City dahil naman sa commission­ing ng bagong primary 34.5kV feeder line sa Ortigas Avenue.

Ang South Triangle sa Quezon City ay apektado rin nang pansamanta­lang pagkawala ng kuryente sa Pebrero 9 dahil sa line reconstruc­tion works sa Tomas Morato Avenue.

Humihingi ng paumanhin ang Meralco sa mga kostumer nilang maaapektuh­an ng power interrupti­on dulot ng kanilang maintenanc­e works at ipinaliwan­ag na layunin lamang nitong higit pang mapaghusay ang ipinagkaka­loob nilang serbisyo sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines