Andre Paras, no time for social media

Balita - - Showbiz - Ni REMY UMEREZ

PARA sa maraming showbiz personalit­ies posting sa social media has become a way of life kahit sabihin pang puro kababawan ang pino-post. Iyon bang breakfast food ng mister mo ay kailangan pang ipaalam sa buong mundo?

Isang aktor na walang hilig magpost ay si Andre Paras dahil dito ay inakala ng marami na hindi siya in good terms with her mom Jackie Foster.

Ang masipag magpost na kasama ang ina ay ang kapatid niyang si Kobe.

“Sa social media kahit ano ang i-post mo ay iba-bash ka pa rin. Kaya huwag na lang. I prefer to cherish my bonding with my mother without social media,” ang wika ni Andre.

Kung career ang paguusapan ay kontento naman ang aktor doing comic roles. Happy siya at hindi siya pinababaya­an ng Viva. He looks forward sa bagong project titled You F Oh na kung saan kasama niya sina Christian Bables at Marco Gallo.

Andre

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.