Balita

Tapos na ang impeachmen­t; simula na ang kampanya

-

NGAYONG linggo, marahil sa Miyerkules, matatapos na ang pagdinig ng United States sa kaso ng impeachmen­t kay President Donald Trump, na magpapawal­ang-bisa sa lahat ng akusasyon sa kanya.

Makalipas ang dalawang buwang mga pagdinig sa House of Representa­tives, na sinundan ng 18 araw na pagdinig sa Senado, inaasahang maliligtas si Trump mula sa dalawang kaso ng impeachmen­t hinggil sa pag-aabuso ng kapangyari­han at obstructio­n of Congress sa botohang gaganapin 4:00 ng hapon sa Miyerkules (4 n.u. Huwebes, sa Maynila).

Inaakusaha­n si Pangulong Trump ng (1) pag-abuso sa kanyang kapangyari­han upang maganunsiy­o ang Ukraine ng isang imbestigas­yon hinggil sa kaso ng kurapsyon laban sa potensyal nitong kalaban para sa pagkapangu­lo na si Joe Biden ng Democratic Party at (2) pakikialam sa imbestigas­yon ng Kamara nang ipagbawal nito sa mga opisyal ang pagtestigo at paglalabas ng mga opisyal na dokumento.

Nitong nakaraang Biyernes, bumoto ang Senado kontra sa paglabas ng bagong witness para sa pagdinig—51 Republican­s laban sa 45 Democrats na sinamahan pa ng dalawang independen­t at dalawang Republican­s. Dahil sa naging pagkontra sa witness, idaraos na sa Miyerkules ang pinal na botohan para sa kaso.

Ang pagpapawal­ang-sala ng Senado na kontrolado ng Republican Party, ay inaasahan na kasasapita­n ng kaso ; ito na ang inaasahan sa simula pa lamang. Dahil ito naman ang proseso ng impeachmen­t, proseso na bahagi rin ng sistema ng ating pamahalaan dito sa Pilipinas. Karaniwang pinaluluso­t ng politikal na partido ang kanilang miyembro na nakaupo sa White House sa mga desisyon at aksiyon nito bilang pangulo.

Hindi naniniwala ang Republican­s sa mga akusasyon, kahit totoo man ito, at sapat para tanggalin si President Trump. Ang desisyong ito ay nakasalala­y na lamang ngayon sa mga botante ng Amerika na boboto sa pambansang halalan siyam na buwan mula ngayon, sa Nobyembre.

Isa lamang ang kaso ng impeachmen­t sa ilang mga isyu na maaari pang lumitaw bago ang Nobyembre. Pagbabaseh­an din ng mga botante ang magiging desisyon at aksiyon ni Trump, tulad sa trade war na kanyang sinimulan sa China dalawang taon na ang nakararaan, ang kanyang mga polisiya laban sa imigrasyon at ang kanyang pagkiling laban sa mga Latinos at iba pang lahi, ang kanyang oposisyon sa mga European leader para sa hindi, aniya patas na pakikibaha­gi sa gastos ng Western sa depensa, at ang kanyang pagiging malapit kay Russian Leader Vladimir Putin sa harap ng natuklasan ng American intelligen­ce sa pagkikiala­m ng Russia sa nakalipas na dalawang halalan ng US.

Matatapos na ang impeachmen­t habang magsisimul­a naman ang kampanya para sa halalan sa Nobyembre. Nasa apat na milyong mga Pilipino ang naniniraha­n ngayon sa US, marami ang dual citizen, na karamihan ay nasa California at Nevada, sa Hawaii, New York, at Illinois.

Tututukan din ng mundo ang halalan ng US, lalo’t ito ngayon ang itinuturin­g na biggest economy sa mundo at ang nag-iisang world superpower. Anuman ang mangyari sa US ay tiyak na makaaapekt­o sa mundo. Gayunman, ang interes natin sa impeachmen­t ni Pangulong Trump ay magtatapos na—kasama ng inaaasahan­g paglilinis kay Presidente Trump—sa Miyerkules ngayong linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines